Nobyembre 14, 1964, nang ipagdiwang ang unang Indian Children’s Day, kasunod ng pagpanaw ni Prime Minister Pandit Jawaharlal Nehru. Ang araw din na iyon ay ang kaarawan ni Nehru na ipinanganak noong Nobyembre 14, 1889, na buong pusong nagmamahal at nagmamalasakit sa mga bata. Ito ay isinaayos upang ipabatid ang kahalagahan ng social rights at masiguro ang magandang kinabukasan ng mga bata.
Noong 1954, inendorso ng global organizations at gobyerno ang Children’s Day upang ipalaganap ang kapakanan ng mga bata.
Ginanap ang World Conference sa Geneva at Switzerland noong 1925 at noong Hunyo 1 ay isinelebra ang International Children’s Day, ngunit noong 1954, ang United Nationalas General Assembly ay minarkahan ito noong Nobyembre 20, na hanggang sa kasalukuyan ay ang petsa ng Children’s Day sa buong mundo.
Hinihimok ang mga magulang na maglaan ng sapat na oras para sa kanilang mga anak tuwing ipagdiriwang ang Children’s Day.