Ang International Day of Rural Women, na idinaraos sa buong mundo tuwing Oktubre 15, ay nagpaparangal at ipinagdiriwang ang mahalagang tungkulin ng kababaihan sa mga lalawigan, kabilang ang mga babaeng katutubo, sa pagpapaunlad ng agrikultura ang pamayanan, pagpapahusay ng food security, at pag-aalis ng kahirapan sa mga lalawigan. Idinaraos ito isang araw bago ang World Food Day sa Oktubre 16. Binubuo ng mahigit isang-kapat ng populasyon ng daigdig, ang kababaihan sa mga lalawigan ay halos mga magsasaka at maliliit na negosyante; sila ang sandigan ng mga sistema sa agrikultura sapagkat sangkot sila sa produksiyon ng pananim at pag-aalaga ng hayop, tumutulong sa pagkakaloob ng pagkain, tubig, at enerhiya sa mga tahanan, nagdadagdag ng kita para sa pamilya, nangangasiwa sa nutrisyon ng kanilang mga anak.
Nag-aambag ang kababaihan ng probinsiya hindi lamang sa kapakanan ng kanilang mga pamilya kundi pati na rin sa kaunlaran ng ekonomiya ng lalawigan. Iniulat ng International Labor Organization na mahigit 428 milyong babae ang nagtatrabaho sa sektor ng agrikultura sa buong mundo at 608 naman ang lalaki. Sa maraming bansa, ang pagsasaka ang pangunahing pinagkukuhaan ng kabuhayan para sa kababaihan sa mga lalawigan. Sa sub-Saharan Africa at South Asia, dalawa sa tatlong manggagawang babae ay nasa agrikultura. Ayon sa Food ang Agriculture Organization na nakapamumunga ang kababaihan ng mula 60% hanggang 80% ng pagkain sa umuunlad na mga bansa at kalahati ng food supply ng daigdig.
Ang apat na ahensiya ng UN – ang World Food Programme, ang UN Women, ang Food and Agriculture Organization, at ang International Fund for Agricultural Development – ang magkakaagapay sa mga plano at programa upang bigyan ng kapangyarihan ang mga babaeng magsasaka sa buong mundo sa pamamagitan ng economic integration at food security sa kani-kanilang komunidad. Mahalaga ang pagbibigay ng kapangyarihan sa kababaihan hindi lamang sa kanilang kapakanan bilang mga indibiduwal, mga pamilya at komunidad kundi pati na rin sa pagpapaangat ng kanilang produktibidad sa ekonomiya, sa harap ng malaking bilang ng mga babae sa lupon ng mga manggagawa sa agrikultura sa daigdig, pati na rin sa pag-ayuda sa kanila sa pagpapatupad ng kanilang mga karapatan sa lupa, pamumuno, mga oportunidad, at pakikilahok sa pagbalangkas ng mga polisiya at mga desisyon.
Inisyatiba ang isang espesyal na araw para sa kababaihan sa mga lalawigan ng maraming international non-government organization noong idaos ang 4th United Nations World Conference on Women sa Beijing, China, noong Setyembre 4, 1995, na nagresulta sa isang worldwide empowerment at educational campaign taun-taong inoorganisa mula pa noong 1997 ng Women’s World Summit Foundation, sa mahigit 100 bansa sa daigdig. Noong 2007, isang Regional Conference on Women in Latin America and the Carribean ang nagpatupad ng Quito Consensus, na nagsusulong ng isang international day para parangalan ang kababaihan sa mga lalawigan ng kanilang kontribusyon sa ekonomiya.
Ang unang International Day of Rural Women ay itinatag ng UN General Assembly noong Disyembre 18, 2007, at ang unang selebrasyon ay napagpasyahang idaos noong Oktubre 15, 2008, siang araw bago ang World Food Day, upang iangat ang katayuan ng kababaihan sa mga lalawigan, na sensitibo sa mga gobyerno at publiko sa kanilang mahalga ngunit hindi naman napapansing tungkulin, at itaguyod ang kongreto at nakikitang pandaigdigang hakbang na suportahan sila.