Basketball-Clinic-550x355

Dahil sa walang tigil na paghiling ng Pinoy fans, nagdesisyon ang organizers ng nalalapit na pagbisita sa Manila ni Allen Iverson na magsagawa ng ikalawang basketball clinic na walang iba kundi ang dating National Basketball Association (NBA) MVP ang mamumuno.

Bahagi pa rin ng “All In” charity basketball event ni Iverson para sa Gawad Kalinga, ang ikalawang basketball clinic ay para sa adults at idaraos sa Nobyembre 5 sa Mall of Asia Arena, ilang oras bago niya i-coach ang Ball Up Streetball All-Stars, na bubuhatin ang Team Gawad Kalinga, sa pakikipagharap ng mga ito kontra sa Team PCWorx na binubuo naman ng mga manlalaro na mula sa UAAP, sa pangunguna ni MVP Kiefer Ravena ng Ateneo, NCAA at PBA at palalakasin nina dating NBA players Eddy Curry at DerMarr Johnson.

Tatakbo ang clinic sa ganap na alas-3:00 hanggang alas-5:00 ng hapon.

National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS

“It’s always a privilege for me to go out there and share my love and passion for basketball,” pahayag ng dating NBA top rookie pick sa isang telephone interview. “This won’t be just an ordinary basketball clinic, I’ll be sharing with them not just my knowledge in basketball, but also a part of myself. This is my way of saying thank you to my fans who stood by me through the years.”

“Manila, I’ll be seeing you at the MOA Arena on November 5th,” dagdag ni Iverson.

Ang basketball clinic ni Iverson ay bukas para sa physically fit basketball enthusiasts, edad 20 pataas. Ang clinic fee ay itinakda sa P5,000 kasama na rito ang meryenda, t-shirt, clinic certificate, isang tiket para sa basketball clinic, at isang general admission ticket para sa main event.

Nagsimula na ang open registration noong Oktubre 13 at magtatagal ito hanggang sa ika-25. Para sa mga interesadong magpalista ay maaaring kontakin ang PCWorx sa numerong (02) 575-1520.

Samantala, mabibili pa rin ang mga tiket para sa “All In” fundraiser online sa www.smtickets.com, lahat ng outlet ng SM Tickets, at mga piling sangay ng PCWorx.