IPAGPATULOY natin ang ating pagtalakay tungkol sa wala sa panahong pagreretiro. Kung ngayon pa lang pinaghahandaan mo na ang iyong pagreretiro, mas magiging maluwag ang iyong pagtanggap dito at makapagdedesisyon ka nang maayos.
Walang iniba ito sa pagpapaliwanag sa mga bata na hindi totoo ang multo na nakaabang sa madilim na silid. Ang pinakamainam na solusyon ay ang buksan ang ilaw at ipakitang wala talagang multo.
Kapag alam mo ang iyong mga pinangangambahan, maaari kang magplano upang ang maging handa para roon. Natatakot ka na baka ka masibak o magkasakit kaya ka bago mo sapitin ang edad ng pagreretiro? Alisin ang takot mo sa pagiging handa ngayon pa lang.
- Magkaroon ng emergency fund. - Sinasabi ng mga eksperto sa pananalapi na tiyakino mong mayroon kang sapat na pondo sa sandali ng iyong pangangailangan. Anila, ang anim hanggang labindalawang buwan ng iyong mga gastusin ay maituturing na sapat. Kung 55 anyos ka na at kaunting taon na lamang ay magreretiro ka na, dapat mo nang gawin iyon. Alamin mo rin kung ano ang gusto mong gawin sa panahon ng iyong pagreretiro. Ang mga nasa edad 50 at higit pa ay kailangang alamin kung ano ang nais gawin uoang maaga silang makapagretiro namg maenjoy nila ang buhay. Alamin kung anong edad ka na maituturing mong independent ka na at komportable mong masabing “Magtatrabaho ako hanggang gusto ko at aalis na ako kapag ayoko na”.
- Bawasan ang utang. - Kapag binabawasan mo ang iyong utang, lalong magiging flexible ang iyong pananalapi; giginhawa rin ang iyong kalooban at maaliwalas ang iyong pag-iisip.
- Dagdagan ang iniimpok sa bangko. - Kapag pinagtutuunan mo ng atensiyon ang iyong savings deposit account, inilalagay mo sa mas mabuting posisyon ang iyong emergency fund sakaling dumating ang hindi mo inaasahang biglaang pagreretiro.