Mga laro ngayon: (MOA Arena)

2 p.m. UP vs UST

4 p.m. FEU vs DLSU

Solong liderato ang nakatakdang pag-agawan ngayon ng mga namumunong Far Eastern University (FEU) at ng defending champion De La Salle University (DLSU) sa pagpapatuloy ng second round ng UAAP Season 77 basketball tournament sa MOA Arena sa Pasay City.

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

Kasalukuyang magkasalo sa liderato na taglay ang barahang 7-2 (panalo-talo), sisikapin ng Tamaraws at ng Green Archers ang ikawalong panalo sa tampok na laban sa ganap na alas-4:00 ngayon matapos ang pambungad na laban sa pagitan ng University of Santo Tomas (UST) at University of the Philippines (UP) sa ganap na alas-2:00 ng hapon.

Tatangkain ng tropa ni coach Nash Racela, nakatakdang dumiretso sa NAIA matapos ang laban upang sumunod sa men’s national team na nakatakdang sumabak sa darating na FIBA World Cup sa Spain bilang isa sa mga assistant coach ni Chot Reyes, na maulit ang kanilang naitalang 82-77 panalo kontra sa Green Archers noong nakaraang first round.

Sa kabilang dako, tiyak namang hindi sila hahayaan na lamang ng mga bata ng Green Archers ni coach Juno Sauler dahil tiyak na maghahabol ang mga ito na makapaghiganti sa nasabing pagkatalo, na isa sa naging mantsa sa record nila sa first round kasunod ng naunang kabiguan sa Ateneo at FEU bago nasimulan ang kanilang 7-game winning streak.

Sa kanilang muling paghaharap ng Tamaraws, inaalala ni Sauler na baka muling maulit ang kanilang naging malamyang panimula sa nakaraan nilang laban kontra sa UP Fighting Maroons.

Ani Sauler, kailangan nilang resolbahin ang problema na tila nawala sa focus ng iba pa nilang player at hindi pa natatanim sa isipan at puso ng mga ito kung ano ang kanilang misyon.

Nakatuon naman ang pansin sa naghahangad na umusad sa Final Four at nakakuha ng inspirasyon matapos bawian ang kanilang first round tormentor na UST Tigers sa nakaraan nilang laban, inaasahan ni Racela na mas tutukan ngayon ang kanyang mga player na magsisikap namang bigyan ng magandang sendoff ang kanilang coach.

Samantala, sa tampok na laro, maghahabol naman ang Tigers na makabalik sa winning track para makatabla sa ikatlong puwesto sa season host University of the East (UE) Red Warriors habang magtatangka naman ang Fighting Maroons na makamit na ang napakailap na second win ngayong 77th season.