ALAMIN: Bakit iba-iba ang petsa ng Easter Sunday taon-taon?
Ngayong Linggo, Abril 5, ginugunita ang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesukristo, o “Easter Sunday” sa wikang Ingles. Sa araw na ito, kinikilala ang muling pagkabuhay ni Hesus, matapos ang paghihirap at pagkamatay Niya sa Krus ng Kalbaryo. Ngunit kapansin-pansin ba ang tila paiba-iba nitong petsa kada taon? Hindi tulad ng kapanganakan ni Hesus, na ipinagdiriwang at inaalala tuwing papatak ang...