Itinuturing bilang haligi ng tahanan ang mga asawang lalaki. Inaasahan sa kanila ang tatag at tibay. Sila ang pundasyon ng pamilya. Tagapagtaguyod at laging nakaagapay.
Hindi naman ito nakapagtataka dahil sa mismong Banal na Aklat ng mga Kristiyano ay may tagubilin kung paano gagampanan ng lalaki ang pagiging asawa nito.
“Mga lalaki,” sabi sa Efeso 5:25-26, “mahalin ninyo ang inyong asawa na gaya ng pagmamahal ni Cristo sa iglesya.”
Kaya naman marapat lang ang paglalaan ng isang araw sa loob ng isang taon para pahalagahan ang kanilang sakripisyo bilang mga mister.
Kada ikatlong Sabado ng Abril, ipinagdiriwang ang Husband Appreciation Day o World Husband Day.
Ayon kay Jaime Bronstein, isang lisensyadong relationship therapist, layunin umano nito na maiparamdam sa mga asawang lalaki na siya ay pinapahalagahan at minamahal.
“The goal [of this holiday] is to make your husband feel valued, loved, and appreciated for all they contribute to the relationship (and family if you are parents),” aniya.
Dagdag pa niya, "When you take the time to celebrate your husband and your marriage, you create lasting memories that you can look back on and smile. These positive memories can help to reinforce your connection over time."
Ngunit kailan nga ba nagsimula ang selebrasyong ito para sa mga mister?
Bagama’t walang eksaktong petsa, pinaniniwalaang nagsimula umano ang Husband Appreciation Day bilang counterpart ng Father’s Day.
Sa ganitong paraan, mapapahalagahan pa rin ang mga mister na hindi biniyayaan ng anak.
Ilan sa mga mahalagang isaalang-alang na gawin sa araw na ito ay ang pagbili ng regalo sa mister o kaya ay yayain ng romantic dinner.
Maaari ding lumiham para ihayag ang pagmamahal na nararamdaman. O kaya naman, sa mas simpleng paraan, igugol ang isang na pagdiriwang para makapagpahinga ang asawa mula sa nakakapagod nitong trabaho.