Usap-usapan ngayon sa social media ang ibinunyag na tsika ng kilalang social media personality na si Xian Gaza hinggil sa umano’y pangungulit ng Kapuso actor-comedian na si Paolo Contis sa kaniyang mas batang kasamahan sa “Bubble Gang” na si Aly Alday.
Si Xian, ay kilala sa pagbibigay ng mga tsismis, kaya tinatawag siyang "Pambansang Lalaking Marites."
Sa isang Facebook post, nagbahagi si Gaza ng screenshots ng umano’y pag-uusap nila ng isang babae na ayon sa mga netizen ay walang iba kundi si Aly. Kitang-kita naman ang pangalang "Paolo Contis" sa screenshots, kung saan makikita pa ang "blue check" na nangangahulugang verified social media account ito.
"ganitong-ganito ako mag-chat sa mga babae kapag may amats tapos in heat ang kaibahan lang eh single ako walang jowa," mababasa sa post ni Xian noong Hunyo 15.
Photo courtesy: Screenshot from Xian Gaza (FB)
Lalong umugong ang espekulasyon nang mag-post si Gaza ng larawan ng naturang babae. Bagama’t nakasuot ito ng face mask, mabilis na nahulaan ng mga netizen na si Aly ang tinutukoy dahil sa pagkakahawig nito sa Kapuso actress at beauty queen.
Ayon sa ibinahaging screenshots, umano’y paulit-ulit na niyayaya ni Paolo ang dalaga na magkita sila, sa pamamagitan ng pagcha-chat sa kaniya. Gayunman, wala pang inilalabas na pahayag sina Paolo at Aly upang kumpirmahin o pabulaanan ang alegasyon.
Photo courtesy: Screenshot from Christian Albert "Xian" Gaza (FB)
Photo courtesy: Screenshot from Christian Albert "Xian" Gaza (FB)
Photo courtesy: Screenshot from Christian Albert "Xian" Gaza (FB)
"Batang-bata ng Bubble Gang — ALY ALDAY Kaya pala gigil na gigil si Paolo," mababasa sa post ni Xian noong Hunyo 16.
Photo courtesy: Screenshot from Christian Albert "Xian" Gaza (FB)
Batay sa mga naglalabasang ulat, si Aly ay isa sa mga bagong mukha sa industriya. Nagsimula siya bilang beauty queen at sumali sa iba’t ibang patimpalak mula pagkabata.
Noong 2019, tinanghal siyang Miss Tourism sa Mr. & Ms. Hundred Islands pageant sa Pangasinan.
Mas nakilala siya noong 2024 matapos manalo sa kauna-unahang King and Queen of the Pacific Pageant sa Malaysia, kung saan nasungkit din niya ang special award na Best Resort Wear.
Bukod sa kaniyang tagumpay sa pageantry, kilala rin si Aly bilang isang masipag na estudyante. Nag-aral siya ng Medical Technology sa Baguio bago lumipat sa Maynila at nagtapos ng kursong Nursing.
Dahil sa kaniyang pageant victory, nabigyan siya ng pagkakataong makapasok sa showbiz at nakontrata ng GMA Network. Lumabas siya sa ilang programa tulad ng “The Boobay and Tekla Show” at “Family Feud” bago naging bahagi ng longest-running gag show na “Bubble Gang.”
Samantala, hindi rin bago sa publiko ang pagiging laman ng showbiz headlines ni Paolo pagdating sa kaniyang personal na buhay. Naging bahagi siya noon ng ilang kontrobersyal na relasyon, kabilang ang kaniyang high-profile breakup kay LJ Reyes, na ina ng isa sa kaniyang mga anak.
Matapos ang hiwalayan, naiuugnay si Paolo sa aktres na si Yen Santos. Ilang beses silang nakitang magkasama at kalaunan ay kinumpirma ng aktor na may espesyal na namamagitan sa kanila. Gayunman, naging tahimik ang dalawa sa mga nakaraang taon hinggil sa tunay na estado ng kanilang relasyon, dahilan upang umusbong ang mga espekulasyon tungkol sa kanilang paghihiwalay, hanggang sa umamin na ngang single na sila pareho.
Maki-Balita: 'As an unfriend?' Paolo Contis, inunfollow na rin si Yen Santos sa IG
Maki-Balita: Paolo nakorner at inurirat tungkol kay Yen, may nakakaintrigang tugon
Maki-Balita: Yen Santos, nagising sa bangungot ng nakalipas na relasyon
Maki-Balita: Nauntog na? Yen Santos ayaw na may ka-'Baguio trip as a friend'
Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo nina Aly o ni Paolo tungkol sa mga pasabog ni Xian. Bukas ang Balita sa kanilang panig.