July 01, 2026

Home FEATURES

ALAMIN: Ano ang 'Summer Solstice' at bakit ito nagaganap?

ALAMIN: Ano ang 'Summer Solstice' at bakit ito nagaganap?
Photo courtesy: Unsplash


Ngayong Linggo, Hunyo 21, ay magaganap ang isang natural na kaganapan sa daigidig—kung saan mararating nito ang “special point” nito sa pag-ikot nito sa araw.

Sa darating kasi na 4:24 ng hapon ngayong araw (oras sa Pilipinas), ay papatak na ang June Solstice, o mas kilala rin bilang “Summer Solstice.”

Ano nga ba ang Summer Solstice?

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang summer solstice ay ang tanda na kung saan nagsisimula na ang summer season sa Northern Hemisphere ng Earth, habang winter season naman sa Southern Hemisphere.

Bunsod nito, magaganap ngayong araw ang pinakamahabang araw at pinakamaiksing gabi sa mga bansang makikita sa taas ng ekwador.

Ano naman ang implikasyon ng Summer Solstice sa Piipinas?

Dahil makikita ang Pilipinas sa Northern Hemisphere, mararanasan ng bansa ang summer solstice.

Dahil dito, mararanasan ng bansa ang isa sa pinakamahabang araw sa buong taon; makikita ang Araw sa pinakamataas nitong posisyon; at bahagyang mas iiksi ang gabi.

Human-Interest

Paano nakaaapekto ang kulay ng OOTD sa vibe ng isang tao?

Paglilinaw ng PAGASA, walang summer sa Pilipinas—tanda lamang ang summer solstice na narating na ng Araw ang pinakamataas nitong posisyon.

Pagbabahagi pa ng ahensya, nakadepende sa lokasyon ng bansa sa ekwador kung gaano kahaba ang magiging diperensya ng oras ng araw at gabi.

Hindi hamak na mas maiksi ang diperensya ng araw at gabi sa Pilipinas tuwing summer solstice, sapagkat malapit ito sa ekwador; ngunit sa ilang bansa sa Northern Hemisphere, na mas malayo sa naturang punto, ay umaabot pa sa 18 oras ang araw.