June 28, 2026

Home FEATURES Mga Pagdiriwang

ALAMIN: Ano nga ba ang 'dad jokes?'

ALAMIN: Ano nga ba ang 'dad jokes?'
Photo courtesy: Pexels


Hindi man lahat, ngunit karamihan sa mga tatay ay natural na seryoso at tahimik.

Hindi sila ganoon ka-emosyonal o “showy” sa kanilang nararamdaman.

Pero gayunpaman, idinadaan nila sa ibang mga paraan kung paano nila nais magpasaya at magpaligaya—isa na rito ay ang pagbibiro.

DAD JOKES

Sa modernong panahon, naging matunog na ang usapin hinggil sa mga tatay na sinusubukang magbiro o magbitaw ng mga nakatutuwang mga pahayag.

Mga Pagdiriwang

EXPLAINER: Makukulay na terminong ginagamit ng LGBTQIA+ community

Dahil dito, isinilang ang konsepto ng “dad jokes.”

Pero ano nga ba ito?

Ayon sa Cambridge Dictionary, ang dad joke ay isang simpleng biro na hindi natural na nakatutuwa.

Kadalasan, gumagamit ito ng “puns” na tipikal na ginagamit ng mga matatandang lalaki upang inisin o asarin ang kani-kanilang mga anak.

Sa madaling salita, corny jokes ito mula sa mga tatay.

MGA HALIMBAWA NG DAD JOKES

Hindi man relatable ito sa lahat—partikular na sa mga kabataan—isa na yata ang dad jokes sa trademark ng mga tatay, papa, o ama, o kahit sinumang matandang lalaki sa komunidad.

Narito ang ilang mga halimbawa ng dad jokes ayon sa pahinang “Dadly Official:”

- Bakit bawal ang mga kalbo sa swimming pool? Kasi magmumukha silang squidballs!

- Bakit ang cellphone ay hindi maingay? Kasi, 'silent' type siya!

- Ano ang tawag sa superhero na mahilig sa gulay? Eh 'di... BAT-choy!

- Ano ang tawag sa lumang bear? Eh 'di... BEAR-y Old!

- Ano ang tawag sa matandang isda? Eh 'di... Century Tuna!

- Ano ang paboritong sport ng mga isda? Eh 'di... Fish Ball!

- Anong bansa ang paboritong pasyalan ng mga isda? Eh 'di... sa FIN-land!

- Ano ang sabi ng baboy ng nakakita sya ng baka? "Meat tayo!"

- Ano ang tawag sa grupo ng mga aso? Eh 'di... ASO-ciation!

- Ano ang katabi ng USA? Eh 'di... USB

Hindi man ito ang tipikal na nakatutuwang biro, mapapansing kapwa mga ama o “dads” ang madalas na matuwa sa mga nasabing dad jokes.

Ang dad jokes man ay masasabing corny, o hindi ang tipo ng mga birong kikiliti sa iyo, isa pa rin itong paraan ang mga ama, tatay, papa, ay may sense of humor din—na ang layon ay pasayahin tayong lahat.