Ikinasa ng Philippine Coast Guard (PCG) Tawi-Tawi nitong Linggo, Hunyo 21, ang programang “Libreng Gupit at Libreng Bigas para kay Tatay” kasabay ang selebrasyon ng Father’s Day.
Sa ulat na ibinahagi ng PCG Tawi-Tawi, sinabi nilang naisakatuparan ang programa sa pinagsamang tulong ng personnel ng Coast Guard Station Central Tawi-Tawi at ng sub-stations nito.
Anila, ang aktibidad na ito ay may layuning bigyan ang mga kalahok ng “convenient grooming service”—simple ngunit isang makabuluhang bagay na may benepisyo sa mga tatay at ama.
Isa ito sa mga programa ng PCG na may adhikaing magbahagi ng tulong, paglilingkod, at kawanggawa sa iba’t ibang mga pamayanan sa bansa.
“Under the guidance of Coast Guard District Commander COMMO REJARD V MARFE PCG continues to foster a culture of care and camaraderie, aligned with the Philippine Coast Guard’s ICARE — promoting a healthy, motivated, and service-ready workforce,” saad ng PCG Tawi-Tawi.
Photo courtesy: Coast Guard Station Central Tawi-Tawi/FB