July 18, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Himutok ni Dennis: 'Pag naging magulang, saka mo lang mauunawaan ang magulang mo!'

Himutok ni Dennis: 'Pag naging magulang, saka mo lang mauunawaan ang magulang mo!'
Photo Courtesy: Dennis Padilla (IG)

Naglahad ng sentimyento tungkol sa pagiging magulang ang komedyanteng si Dennis Padilla sa mismong pagdiriwang ng “Father’s Day.”

Ayon sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) nitong Linggo, Hunyo 21, napagtanto raw ni Dennis ang madalas na sabihin noon ng karamihan na kayang tiisin ng mga anak ang magulang ngunit hindi kayang tiisin ng mga magulang ang mga anak.

Aniya, “Noong araw, ang tatay at nanay ko, pag nagsasalita sila sa akin nang ganoon, hindi ko naintindihan. Nagagalit din ako sa tatay at saka sa nanay ko.”

“Kaya lang, no’ng naging magulang ako, do’n pa lang tumalab. Na parang totoo, ‘pag naging magulang ka na, saka mo lang maunawaan ang magulang mo,” dugtong pa ni Dennis.

Ngunit ang disadvantage umano nito, maaaring matanda o wala na ang magulang sakaling mapagtanto ito ng mga anak. 

Tsika at Intriga

Ivana, binakbakan sa pagpapamudmod ng cellphones; promotion ng online sugal?

“Parang mas limited na yung time mong makabawi. Kasi, nagkaedad ka na bago mo na-realize, e. So, ‘yong magulang mo doble na ‘yong edad,” dugtong pa ng komedyante.

Kaya naman tanggap na raw niya kung wala siyang matanggap na pagbati ngayong Father’s Day sa mga anak niyang sina Julia, Claudia, at Leon.

Kung babalikan, hindi maganda ang relasyon ni Dennis sa mga anak niya sa dating misis na si Marjorie Barretto, dahil sa ilang mga isyu noong magkasama pa sila.

Kaya naman, dinadaan na lang ni Dennis sa pag-po-post sa social media ang mga nais niyang iparating sa mga anak, kahit na wala siyang nakukuhang sukli mula sa kanila.

Matatandaang kamakailan lang ay napaulat na pinatatanggal na umano ni Claudia ang apelyido ng ama na “Baldivia” sa pangalan nito.

Maki-Balita: Claudia Barretto, pinatatanggal na raw apelyidong 'Baldivia;' Dennis Padilla, sad Papa!

Samantala, bago ito, binuweltahan si Dennis ng stepdaughter niyang si Dani Barretto dahil sa kakakuda niya matapos nitong ibahagi ang pinagdaanan noon ni Marjorie sa poder niya.

Ito ay kahit inihayag na ng komedyante noong Abril 2025 na permanente na umano siyang magpapaalam sa mga anak dahil suko na raw siyang makipag-ayos sa mga ito.

Maki-Balita: Dennis Padilla, suko na sa mga anak, baka sa 'kabaong' na siya huling makita