June 21, 2026

Home BALITA National

SP Win sa trabaho sa Senado: 'Buti single tayo kaya maraming oras!'

SP Win sa trabaho sa Senado: 'Buti single tayo kaya maraming oras!'
Photo courtesy: MB File Photo

Tila pasimpleng kinumpirma ni Senate President Win Gatchalian na "non-existent" ang love life niya, matapos niyang sabihing marami siyang oras gampanan ang mga trabaho sa Senado dahil single siya.

Sa isang panayam sa radyo noong Sabado, Hunyo 20, sinabi ni Gatchalian na nakatutulong ang kaniyang pagiging single para lubos niyang matutukan ang mga kaakibat na responsibilidad sa kaniyang bagong posisyon bilang Senate President.

“Buti single tayo kaya maraming oras,” ani Gatchalian.

Kamakailan lamang ay nahalal si Gatchalian bilang pinuno ng Senado sa panahong inaasahang haharap ang kapulungan sa mabigat na usapin, kabilang ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Matatandaang ang huling nakarelasyon ni Gatchalian ay ang aktres at dating beauty queen na si Bianca Manalo. Umabot sa pitong taon ang kanilang relasyon bago tuluyang maghiwalay noong 2025.

National

Kitty kay Tatay Digong niya: 'You are the best papa—but an even better patriot!'

Kahit mag-ex na lang, ipinakita ni Manalo ang pagsuporta sa dating kasintahan matapos itong mahalal bilang Senate president.

Noong Hunyo 17, nag-post si Manalo sa kaniyang Instagram account ng pagbati para kay Gatchalian dahil sa pagiging SP nito.

"Will forever be proud of you!!!! Well deserved! It's about time!" saad ni Manalo.

Pahabol pa niya, "The country needs you!!!"

Maki-Balita: Bianca Manalo, proud at may pa-congrats sa ex-jowang si SP Win: 'The country needs you!'

Samantala, nire-share naman ni Gatchalian ang pag-congratulate sa kaniya ng ex-girlfriend.

Matatandaang nagulat na lamang ang mga netizen nang malamang hiwalay na nga ang dalawa, bagama't hindi na na-disclose sa publiko ang puno't dulo nito.

Natanong si Gatchalian kung kumusta na ang love life niya noong Enero 2026, at ang simpleng sagot niya ay "non-existent."

Maki-Balita: Sen. Win Gatchalian, pasimpleng kinumpirma hiwalayan nila ni Bianca Manalo?

Kamakailan lamang, nasangkot naman si Bianca sa isang blind item na may kinalaman sa kapwa beauty queen at Kapuso actress na si Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi, at sa karelasyon nito.

Naglabas ng opisyal na pahayag tungkol dito ang Sparkle GMA Artist Center, ang talent management arm ng GMA Network na nag-ha-handle sa career ni Bianca.

Pinabulaanan nilang sangkot si Bianca sa isang "third-party issue" at nilinaw nilang "single" ang beauty queen-actress.

"On behalf of our Sparkle Artist, Bianca Manalo, we would like to clarify that there is no truth to rumors circulating about her involvement with another couple,” pagsisimula nila.

Diin pa nila, “She is single and not in any relationship.”

Maki-Balita: 'Single and not in any relationship!' Sparkle, rumesbak sa 'third-party' isyu ni Bianca Manalo

Hindi na nagbigay ng anumang detalye o pahayag ang magkabilang kampo sa dahilan ng kanilang break-up.

Pero kung matatandaan, noong 2023, nasangkot sa isang isyu si Bianca matapos ma-link sa kapwa Kapuso artist na si Rob Gomez, na nakasama naman niya sa teleseryeng "Magandang Dilag" na pinagbidahan ng isa pang Kapuso artist na si Herlene Budol.

Kumalat kasi ang ilang screenshots ng umano'y pag-uusap nilang dalawa sa pamamagitan ng chat, at ang isa nga rito, ay tila umano'y pagpapapunta raw ni Bianca kay Rob sa condo niya, habang wala si Sen. Win.

Maki-Balita: Bianca Manalo at Rob Gomez, palihim na nagkikita?

Itinanggi naman ni Bianca na may ugnayan sila ni Rob at tinawag niyang "false rumors" at "unfounded accusations" ang mga nabanggit na alegasyon.

Anyway,  shini-ship din ng mga netizen ang tambalang "WinRi" nina SP Win at kapwa senador sa mayorya na si Sen. Risa Hontiveros, na single din sa kasalukuyan.