July 23, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Bianca Manalo, proud at may pa-congrats sa ex-jowang si SP Win: 'The country needs you!'

Bianca Manalo, proud at may pa-congrats sa ex-jowang si SP Win: 'The country needs you!'
Photo courtesy: via MB

Usap-usapan ng mga netizen ang congratulatory post ni Kapuso actress Bianca Manalo para sa kaniyang ex-boyfriend na si Sen. Win Gatchalian, matapos na opisyal at pormal na maihalal bilang Senate President, sa ginanap na special session ng Senado noong Miyerkules, Hunyo 17.

Ibinahagi ni Bianca sa Instagram story ang ulat ng GMA News patungkol sa pagiging bagong Senate President ni Gatchalian.

Mababasa naman sa text caption ni Bianca na proud siya kay Gatchalian at it's about time na nga raw para sa senador na maging pinuno ng Senado.

"Will forever be proud of you!!!! Well deserved! It's about time!" saad ni Bianca.

Pahabol pa niya, "The country needs you!!!"

Tsika at Intriga

Freedom of expression, karapatan niya! Pokwang, Meryll dinepensahan si Joshua

Photo courtesy: Screenshot from Bianca Manalo (IG)

Samantala, nire-share naman ni Gatchalian ang pag-congratulate sa kaniya ng ex-girlfriend.

Matatandaang nagulat na lamang ang mga netizen nang malamang hiwalay na nga ang dalawa, bagama't hindi na na-disclose sa publiko ang puno't dulo nito.

Natanong si Gatchalian kung kumusta na ang love life niya noong Enero 2026, at ang simpleng sagot niya ay "non-existent."

Maki-Balita: Sen. Win Gatchalian, pasimpleng kinumpirma hiwalayan nila ni Bianca Manalo?

Kamakailan lamang, nasangkot naman si Bianca sa isang blind item na may kinalaman sa kapwa beauty queen at Kapuso actress na si Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi, at sa karelasyon nito.

Naglabas ng opisyal na pahayag tungkol dito ang Sparkle GMA Artist Center, ang talent management arm ng GMA Network na nag-ha-handle sa career ni Bianca.

Pinabulaanan nilang sangkot si Bianca sa isang "third-party issue" at nilinaw nilang "single" ang beauty queen-actress.

"On behalf of our Sparkle Artist, Bianca Manalo, we would like to clarify that there is no truth to rumors circulating about her involvement with another couple,” pagsisimula nila.

Diin pa nila, “She is single and not in any relationship.”

Maki-Balita: 'Single and not in any relationship!' Sparkle, rumesbak sa 'third-party' isyu ni Bianca Manalo

Hindi na nagbigay ng anumang detalye o pahayag ang magkabilang kampo sa dahilan ng kanilang break-up.

Pero kung matatandaan, noong 2023, nasangkot sa isang isyu si Bianca matapos ma-link sa kapwa Kapuso artist na si Rob Gomez, na nakasama naman niya sa teleseryeng "Magandang Dilag" na pinagbidahan ng isa pang Kapuso artist na si Herlene Budol.

Kumalat kasi ang ilang screenshots ng umano'y palihim nilang pagkikita. 

Maki-Balita: Bianca Manalo at Rob Gomez, palihim na nagkikita?

Itinanggi naman ni Bianca na may ugnayan sila ni Rob at tinawag niyang "false rumors" at "unfounded accusations" ang mga nabanggit na alegasyon.