July 26, 2026

Home FEATURES Katatawanan

#BalitaExclusives: Butane stove prank ng mama sa anak niya, kinatuwaan ng netizens!

#BalitaExclusives: Butane stove prank ng mama sa anak niya, kinatuwaan ng netizens!
Photo courtesy: Jem Diocares/TikTok


Minsan ka na bang nag-request sa mama mo ng baon pagpasok ng school?

Viral ngayon sa social media platform na Tiktok ang isang video ng dalawang mag-inang nag-uusap ukol sa babaunin ng anak sa unang araw nito sa eskwela.

Tila ready na ang bata pumasok sapagkat nakasuot na ito ng uniporme, at hinihintay na lamang ang baon niya para makapasok na sa kaniyang klase.

Ayon pala, samgyupsal ang request ng bata—kaya bigla na lamang lumabas ang mama niya na may dalang butane stove!

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Jem Benedictos, 31-anyos na ina mula sa Quezon City, tahasan niyang sinabi na lagi niyang niloloko o binibiro ang kaniyang anak na si MG.

Katatawanan

#BalitaExclusives: One-month baby na 'methodologies of research' na agad binabasa, kinaaliwan!



Aniya, naalala niya na mayroon silang butane na nakatabi, at iyon ang ibinigay niya sa kaniyang anak dahil nga sa request nitong samgyupsal.

“Palagi ko naman siyang niloloko, tapos naalala ko lang na may butane kami na nakatabi,” saad ni Jem.

Pagbabahagi pa ni Jem, ibinabahagi niya sa social media ang ilang mga prank niya kay MG—lalo kung nakakatawa ang reaksiyon nito sa mga paandar niya.

“Pino-post ko mga prank ko sa kaniya kapag nakakatawa reaksyon niya or takang-taka sya,” aniya.

Tuwang-tuwa naman ang netizens sa naging prank ni Jem sa anak niyang si MG.

“ate naman, mali mo rin e”

“tas tinanong yung teacher kung DEAL or no DEAL”

“Di ko mabiro anak ko ng ganto kasi o-oo sya HAHAHAAHAHA”

“Kahit ako aayaw ako e”

“iba rin tama ng nanay e”

“Kahit ako di papayag”

Hiling naman ni Jem sa anak na mag-aral lamang ito nang mabuti, at hindi siya mapapagod na paghandaan ito ng baon at asikasuhin palagi.

“Aral lang mabuti ate, ‘di ako mapapagod mag-prep ng baon at asikasuhin ka palagi,” mensahe niya sa anak na si MG.

Habang isinusulat ang artikulong ito, nakalikom na ang viral TikTok video ng 3.4M views, 357.9k likes, 2,636 comments, at 409.7k shares.