May 16, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'May pogi bang DDS? Yung ex ko pumanget nong naging DDS!'—John Lapus

'May pogi bang DDS? Yung ex ko pumanget nong naging DDS!'—John Lapus
Photo courtesy: John Lapus (FB)/Freepik

Usap-usapan ng mga netizen ang hirit ng komedyante at direktor na si John "Sweet" Lapus patungkol sa mga "DDS" o tinatawag na "Diehard Duterte Supporters."

Ibinahagi ni Sweet sa X niya noong Mayo 14 ang tanong niya kung may "pogi" raw bang DDS.

Kasabay nito, sinabi ng komedyante-direktor na "pumangit" daw kasi ang dati niyang karelasyong DDS.

"Seryosong tanong, may pogi bang DDS? Yung ex ko pumanget nong naging DDS," ani Sweet.

Photo courtesy: Screenshot from John Lapus (X)

Tsika at Intriga

Mariel, touched sa pagiging 'humble, warm, mabait' ni VP Sara sa buong pamilya Padilla!

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens. May mga sumang-ayon kay John pero meron din namang umalma at binanatan siya.

"Wala pa akong nakikita so far. May mga mukhang pogi sa pics and reels nila pero sa personal ang papangit talaga. Para kang na-scam. Or parang order galing sa Temu."

"Kasama kasi sa pagiging pogi, yung may sense kausap, hindi lang pisikal. So, wala. Kasi walang sense kausap ang mga DDS."

"yung chaka mong yan .? haha Taena, sinusuka ka na nga ng showbiz even teatro tomasino dahil sa gaspang na ugali mo (maliban sa gaspang ng chaka ming boses) kadiri, bobo mong tomasino."

"I'll do you one better, direk: May morally upright bang DDS? Yung mga ex-friends ko lumabas ang mga sungay nung naging DDS."

"Wow nakakahiya naman sayo hahahaha."

"Yung ex kong DDS, nakipag break saken kasi kakampink ako... pag nakikita ko picture nasusuka akong naging jowa ko yun."

Hindi naman binanggit ni Sweet kung sino ang sinasabi niyang ex-jowang DDS.