August 22, 2026

Home BALITA Probinsya

Ipo-ipo, nanalasa sa Donsol, Sorsogon!

Ipo-ipo, nanalasa sa Donsol, Sorsogon!
Courtesy: Bryan Garrido/Facebook

Nanalasa ang isang ipo-ipo sa Barangay Punta Waling-Waling Dalisay sa Donsol, Sorsogon nitong umaga ng Sabado, Agosto 22, 2026, ayon sa Donsol Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).

Sa video na ibinahagi ni Bryan Garrido, ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer ng Donsol, makikitang nanggaling ang ipo-ipo sa dagat patungo sa bahay-bahay sa naturang barangay.

Nagbahagi rin si Garrido ng ilang larawan kung saan makikita ang naging pinsala ng ipo-ipo sa kabahayang dinaanan nito.

Sa panayam ni Garrido sa Balita, nangyari ang insidente bandang 9:00 ng umaga. Base sa kanilang damage assessment as of 2:15 PM, umabot sa 15 kabahayan ang napinsala. Ngunit wala namang naitalang nasawi.

"Ang damage assessment natin ay may 15 households na damaged ang property. No casualty recorded po tayo," anang opisyal ng MDRRMO-Dansol.

Probinsya

Ibebentang baka para sa pampa-check up, ninakaw!

Itinanong din ng Balita kung ito ba ang kauna-unahang pagkakataon na may manalasang ipo-ipo sa lugar.

"Very rare po mangyari this past years ngayon lang po nangyari," saad ni Garrido.