August 22, 2026

Home BALITA Probinsya

Ibebentang baka para sa pampa-check up, ninakaw!

Ibebentang baka para sa pampa-check up, ninakaw!
Josie Talamisan/fb

Ninakaw ang isang baka matapos umanong tangayin ng hindi pa nakikilalang mga suspek mula sa isang lugar sa Purok 6, Barangay Baybay, Tangalan, Aklan.

Ayon sa may-ari na si alyas “Jimmy,” napansin niyang nawawala ang kaniyang alagang baka nang puntahan niya ang pinaglalagyan nito bandang 7:00 ng umaga.

Agad umano niyang hinanap ang hayop sa paligid ngunit hindi na ito natagpuan.

Sa isinagawang pagtingin sa CCTV, nakita ang isang closed van o truck na pumasok sa lugar dakong 12:44 ng madaling araw. 

Makalipas ang ilang minuto, bandang 1:17, umalis umano ang sasakyan na may takip na sa likod.

Probinsya

15 guro sa Oriental Mindoro, ligtas na nasagip sa rumaragasang ilog

Pinaniniwalaang maaaring isinakay sa naturang sasakyan ang baka bago ito tuluyang inilayo sa lugar.

Labis naman ang panghihinayang ng may-ari dahil nakatakda sana niyang ibenta ang hayop at gagamitin ang kikitain para sa kaniyang pagpapagamot.

Naiulat na sa pulisya ang insidente at nagpapatuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang nasa likod ng pagkawala ng baka at kung saan ito dinala.

Umaasa naman ang biktima na makatutulong ang CCTV footage at impormasyon mula sa publiko upang mahanap ang kaniyang alaga at matukoy ang mga responsable.