May 14, 2026

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Yukii Takahashi, Marco Gumabao magkaibigan lang

Yukii Takahashi, Marco Gumabao magkaibigan lang
Photo Courtesy: Yukii Takahashi, Marco Gumabao (IG)

Isiniwalat ni dating “FPJ’s Batang Quiapo” star Yukii Takahashi ang real-score sa pagitan nila ng aktor na si Marco Gumabao.

Sa ginanap kasing press conference ng Regal Entertainment Film na “Almost Us” noong Linggo, Abril 12, nahagip sa usapan ang posibilidad na ipares si Yukii sa ibang aktor bilang leading man nito.

“Hopefully, hopefully, yeah," sagot ng aktres.

Sundot na tanong kay Yukii, "Yong sa inyo ba ni Marco, on-screen or off-screen partnership?"

"Off-screen po iyan," sagot naman niya.

Relasyon at Hiwalayan

KDLex, hiwalay na!

Ayon kay Yukii, wala umano silang proyektong pinagsasamahan ni Marco. Sa ngayon, masaya silang dalawa at magkaibigan.

“I'm happy...We're friends,” aniya.

Matatandaang nagsimulang magsuspetsa ang publiko sa relasyon ng dalawa nang maispatan si Marco sa holiday recap ni Yukii sa Instagram post nito noong Enero 1.

Maki-Balita: ‘Nilabas na!’ Marco Gumabao, Yukii Takahashi mag-jowa nga ba?

Bukod dito, ibinida pa ni Yukii ang pagtakbo nila ni Marco sa pagsisimula ng 2026.

Maki-Balita: Yukii Takahashi, ibinida pagtakbo nila ni Marco Gumabao