Tahasang inamin ng celebrity dermatologist na si Dr. Manny Calayan ang ginawa niyang panloloko sa misis niyang si Dra. Pie Calayan.
Sa latest episode kasi ng “Kay Susan Tayo! Vlogs” kamakailan, inussia si Dr. Manny kaugnay sa nangyari sa relasyon nila ng asawa niyang doktora.
“We parted ways no’ng 2019. [...] Nagka-clash [kami]. Mga maliliit na bagay. Iba na siya, iba na rin ako. Lagi kaming nag-aaway. Then sabi ng mga anak namin, maghiwalay na kayo,” lahad ni Dr. Manny.
Tanong tuloy ni GMA newscaster Susan Enriquez, “Tingin mo, na-fall out of love ka?”
“Parang gano’n,” sagot ni Dr. Manny. “Kasi nawala siya ng five years, e. Di ba nag-aral ‘yong mga bata, pinag-aral namin sa abroad, sumunod siya. Sinamahan niya do’n. Nahiwalay kami.”
“Pag-uwi niya, to confirm, na-confirm nga niya [na may babae]. Then tumagal pa kami ng four years ni Doc Pie. Pero parang cold na ‘yon, e,” dugtong pa niya.
Ayon kay Dr. Manny, sinubukan pa umano nilang isalba ang relasyon nila ni Dra. Pie. Pero nag-iba na raw kasi talaga ang pamumuhay niya. Madalas na siyang nasa labas gabi-gabi dahil nasa malayo ang asawa.
Gayunman, itinanggi ng celebrity dermatologist na nagkaroon siya ng love child sa buong panahon na wala sa piling niya si Dra. Pie.
Aniya, “Illicit affair lang, hindi naman love child. Kasi nababalitaan nga niya, hanggang sa umuwi siya. Hindi ko alam ‘yong pag-uwi niya. Nahuli cam [ako].
“Naging pasyente niya ‘yong ka-affair ko. Nagpa-derma sa kaniya. Hindi ko alam ba’t nalaman. Ang galing-galing ng instinct,” dugtong pa ni Dr. Manny.
Batay sa kuwento ni Dr. Manny, vlogger umano ang nilandi niya. Nang matukoy ng misis niya ang tungkol dito, kinulong daw nito sa loob ng clinic ang babae hanggang sa umamin.
Pero sa kasalukuyan, hindi pa umano gumugulong ang annulment nina Dr. Manny at Dra. Pie.
Samantala, wala pa namang pahayag o reaksiyon si Dra. Pie hinggil dito.