Inamin ni Kapuso actress Sanya Lopez na pinag-uusapan na raw nila ng kaniyang mystery man ang tungkol sa paglagay sa tahimik.
Sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan, sinabi ni Sanya na nasa tamang edad na rin naman daw siya at hindi na bumabata pa.
“Kumbaga siguro nasa tamang age naman kami. ‘Yong parang hindi naman na tayo pabata, hindi na dapat tayo pabebe pa,” saad ni Sanya.
Dagdag pa niya, “Ako kasi, Tito Boy, ‘pag pumasok ka talaga sa relationship, dapat hindi ka na nakikipaglaro. Dapat ‘yon talaga ang goal n’yo pareho.”
Bukod dito, sinabi rin ni Sanya na nauunawaan umano ng kaniyang mystery man ang nature ng trabaho niya.
Sey tuloy ni Boy, “That’s very important. Lalo na if you’re not in the business.”
Matatandaang sa isang episode din ng “Fast Talk” noong Marso 2025, inamin ni Sanya na handa na raw siyang pumasok sa pakikipagrelasyon.
Samantala, sa ginanap namang media conference ng pelikulang “Samahan ng mga Makasalanan” noon ding Marso, isiniwalat ng aktres na may Chinese businessman na raw siyang dine-date.
Maki-Balita: Sanya Lopez, bet nang magka-jowa; may nakaka-date na negosyanteng Intsik