May 12, 2026

Home BALITA

DOLE, ikinasa 'TUPAD tuloy pasada' para sa mga tsuper

DOLE, ikinasa 'TUPAD tuloy pasada' para sa mga tsuper
Photo courtesy: MB file photo

Inihayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang programang "TUPAD Tuloy Pasada," para sa pagbibigay ng karagdagang kita sa mga jeepney driver, kasunod ng pagsirit ng presyo ng produktong petrolyo.

Sa ilalim ng nasabing programa, nakatakda nilang bayaran ang tinatayang 134 jeepney driver ng ₱695 kada araw, na katumbas ng isang araw na minimum wage.

Ayon pa sa DOLE, nagsagawa sila ng profiling at validation para sa mga tsuper na isasali nila sa nasabing programa, habang ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang nagbigay ng kabuuang listahan sa kanilang ahensya.

Sa pamamagitan nito, matatanggap ng mga driver na kwalipikado ang nasabing financial assistance sa loob ng 30 araw.

Samantala, nilinaw ni DOLE na balak pa nilang palawigin ang naturang programa sa labas ng Metro Manila at inaasahang pakikinabangan ng aabot sa 50,000 jeepney drivers.

Politics

Sen. Bato, nilinaw hindi na natanggap sweldo niya sa nagdaang anim na buwan

Kaugnay ng programa para sa mga driver ng jeep, matatandang nauna nang inanunsyo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang service contracting program kung saan nakataka pa ring bayaran ng pamahalaan ang mga public utility ng aabot sa P40 hanggang P100.

“Sa ilalim ng programang ito, babayaran namin ang ating mga operator at driver ng mula ₱ 40 hanggang ₱100 kada kilometro,” ani Marcos.

Nakatakda ring bigyan ng ₱10 rollback kada litro ang PUVs at 20% diskwento sa pamasahe ng mga komyuter para sa mga piling ruta na bumabaybay sa mga pangunahing lugar para sa access sa pampublikong transportasyon.

KAUGNAY NA BALITA: Gobyerno, babayaran PUVs ng ₱40 - ₱100/km sa ilalim ng Service Contracting Program