May 18, 2026

Home SHOWBIZ

Himutok ni KC: 'Lagi na lang bang kailangang maging resilient?'

Himutok ni KC: 'Lagi na lang bang kailangang maging resilient?'
Photo Courtesy: KC Concepcion (FB), via MB

Ibinahagi ng aktres na si KC Concepcion ang Pilipinas na pinapangarap niyang makita sa mga susunod na panahon.

Sa latest episode ng “KC After Hours” noong Sabado, Abril 11, napag-usapan ang tungkol sa humanitarian work ni KC. 

“When you look at the kids do’n sa feeding program, anong nakikita mo sa kanila that you bring home with you?” usisa ni Kapamilya broadcast-journalist Karmina Constantino.

“Hindi nagrereklamo ang mga Pilipino,” sagot ni KC. Bata pa lang, ‘di ‘yan magrereklamo kahit gutom na gutom na. And lalo mo pang gustong tulungan ‘pag gano’n. Kasi for them, ‘Okay na ‘to.’ Akala nila ‘yon lang. E, hindi naman. Puwede namang hindi naman. “

Dagdag pa niya, “Yes, we’re proud to be resilient. But lagi na lang ba kailangan maging resilient? Hindi ba puwedeng masarap tumira sa Pilipinas din? And ‘yon ‘yong dream. ‘Yon ‘yong hope.”

Tsika at Intriga

Kaye, breast cancer survivor: Mister na si Paul Jake, 'pinakaba' ang netizens

Si KC ay nagsisilbi bilang World Food Programme (WFP) Goodwill Ambassador ng United Nations (UN). 

Noong Agosto 2025, muli niyang pinagtibay ang kaniyang suporta para sa universal access ng pagkain sa mga paaralan sa Pilipinas.

Anak si KC ng dating mag-asawang sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion na kapuwa mga artista.