May 21, 2026

Home BALITA National

52.3M litro ng diesel na binili ng Pinas sa Malaysia, dumating na!

52.3M litro ng diesel na binili ng Pinas sa Malaysia, dumating na!
Photo courtesy Sec. Sharon Garin (FB).

Nakarating na sa Pilipinas ang 329,000 barrels o 52,311,000 litro ng diesel na binili ng gobyerno sa Malaysia. 

Ayon sa ibinahaging larawan ni Department of Energy (DOE) Sec. Sharon Garin sa kaniyang Facebook post nitong Sabado, Abril 11, makikita ang dalawang malaking oil tanker at aframax tanker mula Malaysia na dumaong  sa bansa upang ihatid ang nasabing langis. 

“Dumating na!” pagsisimula ni Garin sa caption ng kaniyang post. 

Photo courtesy Sec. Sharon Garin (FB). 

Ani Garin, magsisilbing imbak ng Pilipinas ang dami ng dumating na diesel na ito sa kabila ng hindi pa rin natatapos na giyera sa Gitnang Silangan. 

National

Arrest warrant kay Dela Rosa, valid; lahat ng ebalwasyon ng SC, ibabato sa DOJ—Palasyo

“Shipment of PNOC EC from Malaysia. That’s 329,000 barrels or 52,311,000 liters of diesel purchased by the government to stock up on supply while the Middle East war is not over,” aniya. 

Sa pagpapatuloy niya, tila nagawang idiin ni Garin ang pagiging komplikado ng mundo dahil sa pagsisimula ng Amerika ng giyera sa Middle East habang ang Asya naman daw ang pinakanaghihirap sa epekto ng sigalot nito. 

“Such a complex world isn’t it? Someone from the Americas starts a war in the Middle East and causes suffering in Asia,” pagtatapos niya.

Kaugnay nito, matatandaang inanunsyo ni Garin sa isinagawang press briefing ng Presidential Communications Office (PCO) noong Biyernes, Abril 10, 2026, na aabot umano sa 165 milyong litro ng langis ang inaasahang darating sa Pilipinas.

Tugon daw ito ng pamahalaan upang mapanatili ang suplay ng langis sa bansa, na siyang labis na apektado ng patuloy na girian at tensyon sa Middle East.

Aniya pa, bahagi raw ng target na 318 milyong litro ng langis ng ahensya.

“Through the Philippine National Oil Corporation, bumibili na po ‘yong gobyerno ng sariling suplay para ma-augment, madagdagan ang suplay ng ating oil companies. In fact, ang kabuuang 165 million liters po ang ina-acquire ng PNOC,” saad niya. 

Dagdag pa niya, “Ang target nito kasi is 318 million liters, 2 million barrels.” 

KAUGNAY NA BALITA: 165 milyong litro ng langis, inaasahang darating na sa bansa—DOE