Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) ang agaran nilang pagsasagawa ng aksyon kaugnay sa naging insidente ng hazing sa Philippine National Police Academy (PNPA) na kinasasangkutan ng mga kadete.
Matatandaang ipinahayag sa publiko ng PNPA sa kanilang Facebook post noong Huwebes, Abril 9, ang mabilis nilang pagtugon sa naging insidente at pagbibigay ng medikal na atensyon sa mga nagtamo ng injury sa napaulat na hazing.
“Those who sustained injuries received immediate medical attention and were placed under ongoing monitoring to ensure their full recovery,” anang PNPA.
Ayon naman sa inilabas na pahayag ni PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez, Jr., sa kanilang Facebook page nitong Biyernes, Abril 10, nagawa niyang kumpirmahin ang nangyari at sinabi nilang sasailalim sa imbestigasyon at legal na proceeding ang mga naging sangkot sa insidente.
“The incident was immediately acted upon, resulting in the custody of all individuals involved for proper investigation and legal proceedings,” pagsisimula nila.
Dagdag pa niya, “The PNP enforces a strict and unwavering zero-tolerance policy against hazing and all forms of maltreatment, which are grave violations of law and institutional discipline.”
Diin ni Nartatez, tiyak daw na mananagot at mawawalan ng pribilehiyo na magserbisyo sa PNPA ang sinomang mga mapapatuyang sangkot o may kinalaman sa naganap na hazing.
“Those found responsible will face full legal accountability, administrative sanctions, and the loss of the privilege to serve in the institution. There will be no cover-up and no leniency,” saad nila.
Aniya pa, tiniyak niya sa publiko na daraan sa due process ang kanilang magiging imbestigasyon at papanagutin ang mga responsable sa insidente nang walang pinapanigan o kinakampihan.
“Justice will be pursued to its full extent. The PNP assures the public that due process will be observed and that all those responsible will be held accountable without fear or favor,” saad nila.
Dahil dito, nagawa pang magpaalala ng PNP sa mga cadete at personnel ng PNPA na walang puwang ang hazing o anomang uri ng pang-aabuso sa naturang institusyon.
“All PNPA cadets and personnel are reminded that hazing and any form of abuse have no place in the institution and are strictly prohibited,” ‘ika nila.
Kaugnay nito, matatandaang mariin na ring kinondena ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang naging insidente at sinabi nilang hayagang paglabag sa batas at pagdusta sa dignidad ng isang tao ang pagsasagawa ng hazing sa nasabing academy.
Anila, dapat na isinusulong sa PNPA ang pagtuturo ng disiplina na nakabatay sa pagrespeto sa karapatang pantao, pagkilala sa batas, at pagsasabuhay ng mga ito, hindi para labagin.
KAUGNAY NA BALITA: 'This must never happen!' NAPOLCOM, kinondena hazing sa PNPA!