April 26, 2026

Home BALITA National

Gobyerno, babayaran PUVs ng ₱40 - ₱100/km sa ilalim ng Service Contracting Program

Gobyerno, babayaran PUVs ng ₱40 - ₱100/km sa ilalim ng Service Contracting Program

Nag-anunsyo si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., ng ilang hakbang ng pamahalaan upang maibsan umano ang epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Sa isang video message nitong Huwebes, Abril 9, 2026, sinabi ng Pangulo na ipatutupad ang service contracting program simula Abril 15, sa pangunguna ng Department of Transportation at ipapatupad ito sa buong bansa.

“Sa ilalim ng programang ito, babayaran namin ang ating mga operator at driver ng mula ₱ 40 hanggang ₱ 100 kada kilometro,” ani Marcos.

Bukod sa service contracting program, inanunsyo rin ang pagbibigay ng 20% diskuwento sa pamasahe sa ilang ruta, partikular na ang mga rutang bumabaybay sa mga pangunahing lugar nakailangan ng mga komyuter, katulad ng mga estasyon ng tren at mga terminal.

Inihayag din ni PBBM ang ₱10 kada litro na fuel subsidy para sa mga public utility vehicles (PUVs).

National

'Anoman ang problemang hinaharap, tuloy ang trabaho, serbisyo ng gobyerno!'—PBBM

Ayon kay Marcos, layunin ng mga hakbang na ito na maibsan ang dagdag-pasanin ng mataas na presyo ng langis sa mga commuter at mga nasa sektor ng transportasyon.

Matatandaang nauna nang ikinasa ng pamahalaan ang rollout ng ayuda para sa sektor ng transportasyon matapos ang pagsirit ng presyo ng langis bunsod ng sigalot sa pagitan ng Iran at pinag-isang pwersa ng Israel at United States.

KAUGNAY NA BALITA:: ALAMIN: Bakit inatake ng US at Israel ang Iran na nagdulot ng tensyon sa Middle East?

Samantala, nananatili pa ring suspendido ang fare hike na nauna nang ipinatigil ni PBBM upang tugunan umano ang kapakanan ng mga komyuter.

KAUGNAY NA BALITA: PBBM, pinasususpinde fair hike sa DOTr dahil sa oil price hike!