Inanunsyo sa publiko ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang ₱20 na pagtaas ng daily minimum wage ng mga manggagawa sa pribadong sektor sa rehiyon ng Bicol.
Ayon sa naging Facebook post ng DOLE nitong Miyerkules, Abril 8, 2026, magsisimula ngayong araw ang unang yugto na pagtaas ng suweldo ng mga manggagawa sa pribadong sektor sa Bicol mula ₱435 patungo sa ₱455.
“Simula ngayong araw, makikinabang ang mga manggagawa sa pribadong sektor sa Bicol Region sa dalawang tranche ng pagtaas ng sahod,” pagsisimula nila.
Photo courtesy: DOLE (FB).
Anang DOLE, bukod ngayong Abril 8 ay nakatakda rin umano silang magtaas pa ng daily minimum wage ng mga manggagawa sa pribadong sektor sa Bicol sa darating na Disyembre 1, 2026.
Anila, mula ₱455 na daily minimum wage ay tataas pa ito ng ₱25 para maging ₱480 sa nasabing buwan.
“Itataas ang arawang minimum na sahod sa ₱455 epektibo ngayong araw, Abril 8, 2026, at sa ₱480 naman simula Disyembre 1, 2026,” saad nila.
Pagpapatuloy niya, ang rehiyon umano ng Bicol ang huling lugar na kukumpleto sa wage adjustment cycle para sa mga taong 2025 hanggang 2026 sa buong Pilipinas.
“Ito na ang huling rehiyon na kumukumpleto sa wage adjustment cycle para sa 2025–2026,” pagtatapos pa nila.
Sa kabila nito, tila hindi naman natuwa ang netizens sa naging anunsyo ng nasabing ahensya.
Narito ang ilang komentong iniwan ng mga tao sa FB post ng DOLE:
“Serbisyong dole yarn?”
“Yung dinagdag sa gasolina yun din dapat idagdag sa sahod para balance”
“Dapat gawing 695 den parehas lang naman ang ginagastos sa buhay”
“Dapat ginawa nalang 500”
“Malaking bagay pandagdag pambiling gasolina”
“Proud pa kayo dyan dole?”
“Sarap buhay ng negosyante”
“Alisin nyo ang provincial rate..ng matuwa kami sainyo..sa taas ng bilihin ngayon..sa palagay nyo sapat yan!!!”
“Alisin nyo ang provincial rate..ng matuwa kami sainyo..sa taas ng bilihin ngayon..sa palagay nyo sapat yan!!!”
“Grabe! Life changing! Pwede na mag anak mga 10!!”