Tila nagawang magbiro ni United President (US) President Donald Trump sa balak umano niyang pagtakbo bilang Pangulo sa bansang Venezuela.
Matatandaang ginulantang ng isang malaking balita ang mundo matapos atakihin at arestuhin ng US sina Venezuelan President Nicolas Maduro at asawang si Cilia Flores noong Sabado ng gabi, Enero 3, 2026 sa Caracas.
Ipinahayag ni Trump noon na umano’y magsasagawa ang US ng pansamantalang pamamahala sa Venezuela matapos ang aniya’y “matagumpay” na overnight na operasyong militar na nagresulta sa pag-aresto kay Maduro at sa asawa nitong si Flores.
KAUGNAY NA BALITA: Maduro at misis, kalaboso: Trump nagdeklara, US muna mamamahala sa Venezuela!
Ayon naman sa inupload na video ng international news media outlet na Fox News nitong Martes (araw sa Pilipinas), Abril 7, 2026, mapapanood ang tila pagbibiro ni Trump na may nakapagsabi raw sa kaniyang mataas ang tiyansa niyang manalo bilang Pangulo sa Venezuela.
“The people in Venezuela, they say if I ran for President in Venezuela, I’m polling higher than anybody has polled in Venezuela,” pagsisimula niya.
Ani Trump, pupunta raw siya sa Venezuela kapag natapos na ang kaniyang termino bilang Pangulo sa US.
“So after I’m finished with this, I can go to Venezuela,” aniya.
Aniya pa, mag-aaral daw siya ng wikang Espanyol dahil magaling naman umano siya sa pag-aaral ng wika.
“I will quickly learn Spanish. It won’t take too long. I'm good at languages,” saad niya.
Dagdag pa niya, “I’m going to Venezuela and I’m gonna run for President.”
Pagpapatuloy ni Trump, masaya naman umano sila sa kasalukuyang pamahalaan na ngayon ng Venezuela at nagpapatakbo ng nasabing bansa.
“But we’re very happy with the President-elect that we have right now. The people that are running it,” pagtatapos niya.
Samantala, bagama’t walang kompirmasyon, hindi naman kinumpirma ni Trump totoo talaga ang kaniyang binabalak sa pagtakbo bilang Pangulo sa Venezuela.
Maaaring mapanood ang pahayag ni Trump sa link na ito: https://x.com/FoxNews/status/2041233600771715118?s=20
KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Bakbakang US-Venezuela, paano nga ba nagsimula; may epekto ba sa Pilipinas?
KAUGNAY NA BALITA: Trump sa mga bansang kailangan ng langis: 'Buy from the US, we have plenty!