May 21, 2026

Home BALITA Internasyonal

Pinay at kaniyang pamilya, nasawi sa missile attack sa Israel – DFA

Pinay at kaniyang pamilya, nasawi sa missile attack sa Israel – DFA
Photo courtesy: Embassy of the Philippines (website), Ohad Zwigenberg (AP Photo)

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang kamakailang pagkasawi ng isang Filipina national at kaniyang pamilya bunsod ng missile attack sa Haifa, Israel. 

Batay sa pahayag ng DFA nitong Martes, Abril 7, nasawi ang Pinay kasama ang kaniyang asawang Israeli at matatandang parent-in-law noong gabi ng Linggo, Abril 5. 

“The Department of Foreign Affairs expresses deep sorrow over the death of a Filipina national who was killed in a missile attack on a residence in Haifa, Israel, on the evening of 05 April 2026. She died alongside her Israeli husband and elderly parent-in-law,” saad ng DFA. 

Sa kasalukuyan, ipinagbigay-alam na ng embahada ng Pilipinas sa Tel Aviv ang pangyayari at repatriation ng labi ng Pinay sa kaniyang pamilya sa Pilipinas, sa kabila ng travel restrictions bunsod ng nagpapatuloy na sigalot sa Middle East.

“The Philippine Embassy in Tel Aviv has informed the family and is providing all necessary assistance, including arrangements for the earliest possible repatriation of her remains despite the current travel situation in the region,” saad ng DFA. 

Internasyonal

WHO, nababahala sa ‘scale and speed’ ng Ebola outbreak; 134 suspected deaths naitala

Bilang pakikiramay, tiniyak ng ahensya na magpapadala sila ng suporta at tulong na kakailanganin ng pamilya.

“The Department is also reaching out to support the family during this difficult time,” kanilang pagtitiyak. 

Samantala, humihiling ng privacy ang pamilya ng Pinay sa kanilang pagluluksa. 

“The family requests privacy at this difficult time to grieve in peace,” ani DFA. 

“We join the Filipino community in praying for her eternal rest and for strength for her family during this time of profound loss,” dagdag pa ng ahensya. 

Matatandaang nasawi rin ang isang Pinay caregiver sa Israel noong Marso 1, matapos siyang matamaan ng shrapnel ng bumagsak na bomba.

MAKI-BALITA: 'Tinamaan ng shrapnel ng bomba!' Pinay caregiver sa Israel, namatay habang tinutulungan ang alaga

Ang mga labi ng nasabing Pinay caregiver na si Mary Ann de Vera ay naiuwi sa Pilipinas noong Marso 14, na personal sinalubong ng kaniyang asawa na si Bernie Lavarias.

MAKI-BALITA: Mga labi ng nasawing Pinay caregiver sa Israel, nauwi na sa bansa!