May 06, 2026

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Dingdong, ‘di mararating ang success kung wala si Marian

Dingdong, ‘di mararating ang success kung wala si Marian
Photo Courtesy: Dingdong Dantes (IG)

Naniniwala si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes na hindi niya magagawa ang mga bagay na ginagawa niya ngayon kung wala ang suporta ng misis niyang si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.

Sa latest episode ng “KC After Hours” noong Sabado, Abril 4, sinabi ni Dingdong na kung anoman ang estado niya sa kasalukuyan ay bunga ng desisyon niyang piliin si Marian na makasama.

“Sa tingin ko, nandito ako dahil pinili kong nandito ako kasama siya. At kung ano man ‘yong maging resulta no’n, I think it’s a grace from God. It’s God’s gift,” saad ni Dingdong.

Dagdag pa niya, “Malaking factor ‘yong kaniyang suporta sa akin, hindi lang professionally but also personally. Naintindihan ko ‘yong mas malalim na reason of having a spouse, not just as maybe as co-parents but also as a partner in life.”

Sa kasalukuyan, maglalabindalawang taon nang kasal sina Marian at Dingdong. May dalawa na rin silang anak, sina Zia at Sixto.

Relasyon at Hiwalayan

Bida na sa arena, bida pa sa puso! Barbie Imperial, full support sa jowang si Richard Gutierrez

Kinumpirma nila ang kanilang relasyon sa publiko noong 2010, apat na taon bago sila mag-isang-dibdib.