Buong-buo ang suporta ng Kapamilya actress na si Barbie Imperial sa kaniyang boyfriend na si Richard Gutierrez, na kasali sa "Bida sa Arena" na basketball match ng ilang Kapamilya at Kapuso stars, noong Mayo 3.
Ibinida ni Barbie sa kaniyang Instagram story ang larawan nila ni Chard, na may caption na "Congrats bb!"
Photo courtesy: Screenshot from Barbie Imperial (IG) via Fashion Pulis
Kabilang si Richard sa koponan ng kanilang team captain na si Gerald Anderson, na kasama naman niya sa action series na "Blood vs Duty."
Kasama pa nila rito sina Emilio Daez, Jameson Blake, RK Bagatsing, Vhong Navarro, at iba pa.
Para naman sa Team GMA sa pangunguna ni David Licauco, kabilang sina Will Ashley, Dustin Yu, Rayver Cruz, Mavy Legaspi, Paul Salas, Josh Ford, EA Guzman, Anthony Constantino, Andre Paras, at iba pa.
Anyway, panalo naman ang Team ABS-CBN na nakakuha ng 96 puntos.
Matatandaang kinumpirma nina Richard at Barbie ang kanilang relasyon nitong 2026, matapos ang naging hiwalayan ng una sa kaniyang estranged wife na si Sarah Lahbati.
Ani Barbie, sa panayam sa kanila ng ABS-CBN News noong Enero, “Can I just say that we weren't hiding? We just chose to have a private relationship talaga, cause we know na ayaw namin ng, even I... What people don’t know they can't ruin.”
“I agree from the beginning, ganun talaga,” segunda naman ni Richard.
Dagdag pa niya, “We want to keep things private. Mas relaxed yung gano’n, mas gusto namin yung gano’n.”