Pumalo sa ₱18.16 trilyon ang utang ng pamahalaan ng Pilipinas sa katapusan ng Pebrero nitong 2026.
Ayon sa inilabas na tala ng Bureau of the Treasury (BTr) nitong Miyerkules, Abril 1, 2026, nadagdagan ng ₱25.74 bilyon o 0.14% ang utang ng bansa sa pagtatapos noong Enero 2026.
Higit na mas mataas umano ito sa ng ₱1.53 trilyon sa ₱16.63 trilyon na naitalang utang ng bansa noong Pebrero 2025, base sa tala rin ng BTr.
Sa kabila ng pagtaas na ito, nilinaw ng BTr sa naging pahayag nila nitong Miyerkules na “stable” at “well-managed” pa rin ang posisyon ng utang ng bansa.
“The modest uptick underscores the government’s stable and well-managed debt position amid evolving global financial conditions,” anila.
Anila, dahil umano ito sa patuloy na pagtuon sa domestic financing para protektahan ang utang ng Pilipinas sa kabila man ng mga hindi maasahang mangyayari sa labas ng bansa.
“This was largely driven by the continued prioritization of domestic financing to protect the government’s debt position from unfavorable external developments,” dagdag pa nila.
Pagpapatuloy nila, nananatili maingat ang pamahalaan sa pag-utang upang mabawasan pagiging bulnerable ng bansa sa foreign exchange (forex) fluctuations.
“With domestic debt accounting for 68.7% of the total, the NG maintains a prudent debt profile that minimizes vulnerability to foreign exchange (forex) fluctuations,” anang BTr.
KAUGNAY NA BALITA: Geopolitical tension sa Middle East, dahilan sa paghina ng piso kontra dolyar—Palasyo
KAUGNAY NA BALITA: Pinakamababa sa kasaysayan... ulit! Piso bumagsak, sumadsad sa ₱60.69 kontra dolyar!