May 22, 2026

Home BALITA National

57.1% ng mga pumasa sa UPCAT 2026, mula sa mga pampublikong paaralan – DepEd

57.1% ng mga pumasa sa UPCAT 2026, mula sa mga pampublikong paaralan – DepEd
Photo courtesy: University of the Philippines via MB

Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) na 57.1% ng mga mag-aaral na nakapasa sa kamakailang lumabas na University of the Philippines College Admission Test (UPCAT 2026) ay nagmula sa mga pampublikong paaralan. 

Batay sa inilabas na datos ng DepEd nitong Biyernes, Mayo 1, sa 12.45% passing rate sa UPCAT, mayroong higit-kumulang 147,000 bilang ng UPCAT examinees kung saan 18,350 dito ang qualifiers o mga nakapasa sa pagsusulit.

Sa mga talang ito na nakalap ng ahensya, binanggit nilang nananatiling mataas ang kompetisyon ng mga mag-aaral sa pagpasok sa University of the Philippines (UP). 

Gayunman, 57.1% dito ang naitalang mula sa mga pampublikong paaralan, na nagpapatunay ring unti-unti nang naaabot ng mas maraming mag-aaral ang dekalidad na edukasyon. 

Sa pamamagitan ito ng mas matibay na paghahanda sa kolehiyo, mas inklusibong sistema ng edukasyon, at mas maraming pagkakataon para sa bawat mag-aaral. 

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

Sa mga hindi naman nakapasa, ang iba pang landas na maaaring tahakin ng mga ito ay ang  pagpasok sa iba pang kolehiyo o kaya’y Tech-Voc o Technical and Vocational Education and Training. 

Matatandaang inilabas ng UP ang resulta ng UPCAT noong Abril 22.