May 22, 2026

Home BALITA National

Geopolitical tension sa Middle East, dahilan sa paghina ng piso kontra dolyar—Palasyo

Geopolitical tension sa Middle East, dahilan sa paghina ng piso kontra dolyar—Palasyo
Photo courtesy: PCO, MB FILE PHOTO

Isa sa pinakatinitingnang dahilan ng Malacañang ang epekto ng umiigting na geopolitical na tensyon sa Gitnang Silangan kaya umano bumaba nang husto ang halaga ng piso kontra sa dolyar.

Maituturing na may koneksyon sa “heograpiya” ang salitang “geopolitical” kung saan ginagamit ang terminong ito upang ilarawan ang mga isyu, tensyon, o impluwensya ng heograpiya sa relasyon ng mga bansa, partikular sa nagaganap ngayon na giyera sa pagitan ng United States (US) at Israel laban sa Iran. 

Ayon sa isinagawang press briefing ni Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) nitong Martes, Marso 30, 2026, hindi niya tinanggi ang usapin tungkol sa lubhang pagbaba ng halaga ng piso. 

“Yes. dahil nga po sa nangyayari sa Middle East,” pagsisimula niya. 

Ani Castro, alam naman daw ng publiko na patuloy na kumikilos si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at ang administrasyon ng Pilipinas upang maibsan ang epekto ng nasabing giyera. 

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

“Alam po natin ang ginagawa po ng Pangulo at ng administrasyong ito upang maibsan po ang impact, ng epekto nitong sigalot sa Middle East,” aniya. 

Pagpapatuloy niya, gagawin umano ng gobyerno ang lahat upang maayos ang mga problemang kinakaharap ng bansa at para matulungan ang mga Pilipino. 

“At gawin po ang lahat para po maayos ang lahat ng nangyayari pati po ang pagtulong sa ating mga kababayan,” pagtatapos pa niya. 

Matatandaang bumagsak sa ₱60. 690 ang palitan ng piso laban sa dolyar ng Amerika noong Lunes, Marso 30, ayon sa datos ng Bankers Association of the Philippines (BAP).

Nalagpasan nito ang "makasaysayang" pagbulusok ng piso sa ₱60.39 noong Huwebes, Marso 19, na sinasabing unang beses sa kasaysayan ng Pilipinas na bumagsak ang halaga ng Philippine peso laban sa US dollars.

Ito na ang pitong beses na sobrang bumagsak ang halaga ng piso kontra dolyar sa pagpasok ng Marso.

Nananatiling sensitibo ang piso sa galaw ng pandaigdigang merkado, lalo na sa pagtaas ng demand sa dolyar at pagbabago sa presyo ng petrolyo.

KAUGNAY NA BALITA: Pinakamababa sa kasaysayan... ulit! Piso bumagsak, sumadsad sa ₱60.69 kontra dolyar!

KAUGNAY NA BALITA: Pinakamababa sa kasaysayan: Palitan ng piso-dolyar, umabot na sa ₱60—bakit kaya?