Tinunton ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kinaroroonan ng Grade 6 student na si Maureen Delos Santos mula sa Caloco Elementary School.
Matatandaang lumiham si Maureen kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. para idulog ang sitwasyon ng kapatid niyang pinagsamantalahan umano.
Sa isang Facebook post ni DSWD Sec. Rex Gatchalian nitong Miyerkules, Abril 1, tutulungan umano nila si Maureen at ang mga kasama nito alinsunod sa utos ng Pangulo.
“Tutulungan natin siya at ang kanyang mga kasama sa shelter sa pamamagitan ng psycho-emotional counselling mula sa ating mga social workers,” saad ni Gatchalian.
Dagdag pa niya, “Magkakaloob din ng tulong pinansyal para sa kanilang mga pamilya upang maayos ang kanilang kabuhayan.”
Bukod dito, tutulong din umano ang mga social worker para sa kaibigan ni Maureen na naging biktima ng karahasan upang makapagsampa ng kaso.
“Lahat ng assistance para sa kanilang shelter na tinutuluyan ay gagawin din,” dugtong pa ng kalihim.
Maki-Balita: PBBM, tinugon liham ng grade 6 student