In-extend ng isang e-wallet platform ang kanilang offer na “zero transfer fee” hanggang Abril 30, para sa international transfers mula sa Pilipinas hanggang sa ilang bansang nasa Middle East.
Batay sa anunsyo ng GCash nitong Martes, Marso 31, ang kanilang zero transfer fee ay epektibo sa transaction fees mula Pilipinas hanggang United Arab Emirates (UAE), Saudi Arabia, Qatar, at Oman.
Anila pa, wala ring minimum amount ang kinakailangan sa pagpapadala, sa layong mapadali ang pinansiyal na suportang ipapaabot ng mga taong may kaanak sa mga bansang nabanggit.
Ayon pa sa page ng GCash, narito ang “four easy steps” upang magamit ang kanilang international transfers feature:
Step 1: Tap transfer, piliin ang “International
Step 2: Piliin ang pagpapadalhang bansa, payout channel, at bangko o e-wallet na tatanggap ng padala.
Step 3: Ilagay ang halaga ng ipadadalang pera at detalye ng padadalhan. Tapos nito, ikumpirma ang transfer.
Step 4: I-track ang transfer progress.