May 13, 2026

Home BALITA National

Record-breaking ulit sa kasaysayan! Piso bumulusok, nalugmok sa ₱60.748 kontra dolyar

Record-breaking ulit sa kasaysayan! Piso bumulusok, nalugmok sa ₱60.748 kontra dolyar
MB File Photo

Panibagong tala na naman sa kasaysayan ng Pilipinas ang pagsadsad ng Philippine peso laban sa US dollars matapos itong magsara sa ₱60.748 nitong Martes, Marso 31, batay sa Bankers Association of the Philippines.

Nahigitan nito ang historic record low kahapon ng Lunes, Marso 30, kung saan bumagsak sa ₱60.69 ang piso laban sa dolyar, maging ang ₱60.55 noong Sabado, Marso 28.

Maki-Balita: Pinakamababa sa kasaysayan... ulit! Piso bumagsak, sumadsad sa ₱60.69 kontra dolyar!

Ito na ang walong beses na sobrang bumagsak ang halaga ng piso kontra dolyar sa pagpasok ng Marso.

Nananatiling sensitibo ang piso sa galaw ng pandaigdigang merkado, lalo na sa pagtaas ng demand sa dolyar at pagbabago sa presyo ng petrolyo.

National

'Maghintay lang sila:' Sen. Bato, sumagot sa 5 senador na pinapasuko siya!

Maaari din itong makaapekto sa presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa kung magpapatuloy ang depreciation o pagbagsak ng piso.

Ito na ang pinakamababang halaga ng piso kontra dolyar simula nang maganap ang tensyon sa Middle East sa bandang pagtatapos ng Pebrero hanggang sa isang araw bago tuluyang magwakas ang Marso.

Sa mga nagdaang araw at linggo, naglaro muna sa halagang ₱57 hanggang ₱59 ang palitan ng dolyar at piso.