April 26, 2026

Home BALITA National

PBBM, hindi naka-bakasyon sa Semana Santa

PBBM, hindi naka-bakasyon sa Semana Santa
Photo courtesy: Bongbong Marcos/FB


Tahasang ipinahayag ng Palasyo na hindi bakasyon ang pupuntahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa lalawigan ng Ilocos Norte.

Sa isinagawang press briefing ng Presidential Communications Office (PCO) nitong Martes, Marso 31, nanindigan si PCO Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro na hindi raw uso sa Pangulo ang pagbabakasyon.

“Sa Pangulo po, hindi po uso ang salitang pagbabakasyon,” saad ni Usec. Castro.

Aniya, “So, sabi nga po niya, siya po ay mag-spend ng kaniyang Holy Week sa Ilocos Norte kasama ang kaniyang pamilya.”

“Walang pagbabakasyon, dahil patuloy po ang ating Pangulo sa pagmo-monitor at pagbibigay ng utos sa mga kailangan na gawin ng ating mga ahensya sa gobyerno,” dagdag pa niya.

National

'Anoman ang problemang hinaharap, tuloy ang trabaho, serbisyo ng gobyerno!'—PBBM



Inamin din ng press officer na wala pa umano silang detalye hinggil sa pagpunta ni PBBM sa Ilocos Norte kasama ang pamilya nito.

“Hindi po naibigay sa atin kung anong oras at anong araw, pero binanggit po niya na doon po ang pagbibigay ng oras doon po sa Ilocos Norte,” aniya.