May 21, 2026

Home BALITA National

'Tatay Digong is dilaw!' Sen. Robin, dinipensahan pagiging 'dilawan' ni Atty. Guanzon

'Tatay Digong is dilaw!' Sen. Robin, dinipensahan pagiging 'dilawan' ni Atty. Guanzon
Photo courtesy: Senate of the Philippines (FB), Atty. Rowena Guanzon (FB)

Tila inihayag sa publiko ni Sen. Robin Padilla ang kaniyang pagkainis sa mga kumukuwestiyon ng pagsuporta ni dating Commission on Elections (Comelec) Commissioner Atty. Rowena Guanzon kay Vice President Sara Duterte sa darating na eleksyon. 

Ayon sa naging Facebook post ni Padilla nitong Lunes, Marso 30, makikita ang lumang larawan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang dati ring Pangulong Corazon Aquino. 

Photo courtesy: Robin Padilla (FB)

Photo courtesy: Robin Padilla (FB)

Mula dito, nagawang depensahan ni Padilla si Guanzon dahil maituturing daw na kakampi ng mga Aquino si FPRRD pati na rin ang dati nitong pinamunuang partiko na Partido Demokratiko Pilipino (PDP Laban). 

“Pambihira talaga, historically Tatay digong is dilaw, PDP Laban is dilaw!” pagsisimula niya. 

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

Dahil dito, nagawang kuwestiyonin ni Padilla ang publiko kung ano raw ang problema ng mga ito kay Guanzon. 

“Anong isyu ninyo kay future senator Atty Rowena Guanzon? Eh dilaw pa sa dilaw si [Atty.] Nakakapagtaka ba na mag Inday Sara siya? My goodness!” buwelta niya. 

Ani Padilla, sadyang pinanghahawakan lang daw ni Guanzon ang kaniyang mga prinsipyo at magawa raw sanang magsaliksik ng publiko sa halip na puro satsat.  

“Atty Guanzon is simply maintaining her dilaw principles! Hirap naman umintindi ng iba. Magsaliksik naman kasi kayo wag puro satsat,” aniya. 

Base sa pananaliksik ni Padilla, isa raw sa mga naging pangunahing susi ang PDP laban upang manalo sa snap election si Aquino noong 1986. 

PDP-Laban was a key pillar of the coalition that supported Corazon "Cory" Aquino's victory in the 1986 snap election, leading to her presidency. 

“In February 1986, following the EDSA People Power Revolution, Corazon Aquino assumed power as President of the Philippines through a revolutionary government,” depensa niya. 

Aniya pa, si Aquino rin daw ang nagtalaga noon kay FPRRD bilang officer-in-charge (OIC) Vice Mayor ng Davao City noon. 

“On March 20, 1986, President Corazon Aquino appointed local officers-in-charge (OICs) nationwide to replace officials associated with the Marcos regime. In Davao City, Aquino appointed Zafiro Respicio as OIC Mayor and Rodrigo Duterte as OIC Vice Mayor,” ‘ika niya. 

Paglalatag pa niya, naging alkalde ng Davao City si FPRRD noong Enero 18, 1988 at kalaunan ay naging PDP Laban Chairman dahilan para hindi raw ituring na masama ang pagiging maka-Aquino ng nasabing partido. 

“In the January 18, 1988 local elections, Rodrigo Duterte won and became the mayor of Davao City under the banner of the Lakas ng Dabaw coalition allied with Aquino’s Lakas ng Bansa.

Former President Rodrigo Roa Duterte is presently the chairman of PDP Laban,” paliwanag niya. 

“PDP Laban is the original dilaw!” pagtatapos pa niya. 

Kaugnay nito, matatandaang inihayag ni Guanzon sa naging pakikiisa niya sa selebrasyon ng Araw ng Dabaw at ika-31 na kaarawan ni FPRRD noong Marso 28, 2026, na buo raw ang suporta niya sa kandidatura ni VP Sara sa pagkapangulo ng bansa sa 2028, na nauna nang nag-anunsyo ng kaniyang intensyon ng pagtakbo.Aniya, ngayon lamang daw kasi siya nakakita ng isang gobyernong talamak ang korapsyon. 

KAUGNAY NA BALITA: Gobyerno ngayon, 'puro magnanakaw' banat ni Guanzon; suportado si VP Sara sa 2028

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, inanunsyong tatakbong Pangulo sa 2028!