May 13, 2026

Home BALITA National

Mula sa 425: Tigil-operasyong gasolinahan, bumaba sa 365!

Mula sa 425: Tigil-operasyong gasolinahan, bumaba sa 365!
Photo courtesy: MB


Inanunsyo ng Philippine National Police (PNP) na bumaba sa 365 ang bilang ng mga gasoline stations na nakatigil-operasyon sa buong bansa ngayong Lunes, Marso 30. 

Kasunod ito ng naitalang 425 noong Biyernes, Marso 27, bunsod ng “supply constraints” sa produktong petrolyo.

MAKI-BALITA: Gasoline stations na tigil-operasyon, umabot na sa 425!-Balita

Ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Randulf Tuaño, nauna nang naitala ng ahensya ang pagbaba nito sa 369 noong Linggo, Marso 29.

"Ang mga pangunahing kadahilanan ay ‘yong non-delivered petroleum products at 'yong iba naman ay walang stocks,” saad ni Tuaño sa isang press briefing sa Camp Crame nitong Lunes, Marso 30.

Aniya, “Mayroong mga nagsarado at may nagbukas na naman.”

Samantala, umangat naman daw sa pito ang mga napaulat na kaso ng hoarding at profiteering sa bansa—tatlo sa Rehiyon 5, dalawa sa Rehiyon 8, tig-isa sa Rehiyon 3 at 11. 

Patuloy naman ang pagbabantay ng PNP, katuwang ang Department of Energy (DOE) at Department of Interior and Local Government (DILG) hinggil sa mga napaulat na insidente.

MAKI-BALITA: DOE, DILG, PNP sanib-puwesa vs hoarding, profiteering ng produktong petrolyo-Balita