Umani ng diskusyon sa social media ang Saturday episode ng "It's Showtime" segment na "Laro Laro Pick" dahil hindi nasagutan ng ilang players na honor students pa mandin, ang kahulugan ng abbreviation ng executive departments ng pamahalaan ng Pilipinas.
Sa round 2 ng laro, kinakailangang ibigay ng players ang kahulugan ng abbreviation ng mga kagawaran ng pamahalaan upang makapasok sa susunod na round.
Ilan sa mga executive department na hindi nasagutan ay DPWH (Department of Public Works and Highways), DOT (Department of Tourism), DSWD (Department of Social Welfare and Development), DILG (Department of the Interior and Local Government), DOF (Department of Finance), DFA (Department of Foreign Affairs), DENR (Department of Environment and Natural Resources), at DOST (Department of Science and Technology).
Ang nasagutan naman nang tama ay DepEd (Department of Education), DOH (Department of Health), at DOJ (Department of Justice).
Ang naging rason naman ng players na hindi nasabi nang buo, nagkulang sa nasabing salita, o hindi talaga nasagutan ay kinabahan at na-mental block sila.
Samantala, hindi naman naiwasan ng mga netizen na hindi makaramdam ng pagkadismaya dahil dito at kinalampag pa ang DepEd.
Kinukuwestyon ng mga netizen kung paano raw naging "honor students" ang ilan sa kanila kung ang mga ganitong klaseng basic information ay hindi nila masagutan.
May mga netizen pa ang nagsabing dapat nang ibalik sa dating paraan ng pagbibigay ng merito sa estudyante, kung saan, top 10 o top 5 lamang ang pinararangalan, at hindi "with honors," with high honors," o with highest honors."
May ilan ding kinuwestyon ang kasalukuyang curriculum at kung napag-aaralan pa ang mga ito sa klase, lalo na sa Araling Panlipunan.
Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.
"anyare honors student.. kaway kaway batang 90's acronyms and meaning...at sino my hawak na cabinet member.."
"Department of honor student and Chatgpt! Hahaha."
"Noon 90’s pinasaulo samin yan ng sibika teacher namin."
"Kaway kaway sa mga Batang 90's maliban sa memorise mo yan in English . Dapat memorise mo din sila in Tagalog."
Samantala, bago nito, nadismaya rin ang mga netizen sa isang kabataang player na hindi natukoy ang larawan ng Palasyo ng Malacañang.
Maki-Balita: Nasermunan tuloy ni Vice Ganda! Laro Laro Pick player sa It's Showtime, hindi alam ang Malacañang