May 13, 2026

Home SHOWBIZ Musika at Kanta

Composer ng 'Hawak mo Ang Beat,' pinabulaanang AI-generated ang trending dance craze

Composer ng 'Hawak mo Ang Beat,' pinabulaanang AI-generated ang trending dance craze
Photo Courtesy: Screenshot from GMA Public Affairs (YT)

Nagbigay ng paglilinaw ang composer na si Sylvain Hernandez o DJ Mogo sa likod ng binuo niyang awitin na “Hawak mo Ang Beat.”

Sa ulat ng 24 Oras kamakailan, sinabi ni DJ Mogo na tinulungan umano siya ng misis niyang Pinay sa paggawa ng nasabing kanta.

"Traditional and super fun cha-cha feeling from the Visayas really stuck with me, actually. So in 'Hawak Mo ang Beat,' there is this light, this bouncy, and this joyful vibe that brings everyone together on the dance floor. That's true philosophy that guides me in creating that song," saad ni DJ Mogo.

Kaya naman giit niya, “No any part of the song was generated by AI. Authentic, 100 percent made with my hands and my love for the Philippines.”

“I just want the people to focus on the music itself. If you like the beat and the energy, then tara lets dance on it. Let's enjoy it,” dugtong pa ni DJ Mogo.

Musika at Kanta

Hollywood Pop Star Katy Perry, napansin ang 'Thinking of You' cover ni Jayda Avanzado

Matatandaang umugong kamakailan ang kantang “Hawak Mo Ang Beat” na naging trending dance craze na rin kalaunan sa iba’t ibang social media network.

Ngunit gayon na lang umano ang gulat ng ilan nang matuklasan na AI-generated track daw ang nasabing awitin.

Ayon sa ulat ng DZRH, nabuo raw ang kanta gamit ang AI-generated voice ng isang lalaki, na sinadyang pagmukhaing totoo. 

Maki-Balita: Singer, 'di matukoy: Awiting ‘Hawak mo ang Beat,’ AI-generated daw?