May 19, 2026

Home SHOWBIZ

Allan K, nagbabala tungkol sa pekeng FB page: 'Hindi ako 'yan!'

Allan K, nagbabala tungkol sa pekeng FB page: 'Hindi ako 'yan!'
Photo Courtesy: Allan K. (FB)

Nagbigay ng babala ang komedyante at Eat Bulaga host na si Allan K kaugnay sa lumulutang na verified Facebook page na nasa ilalim ng pangalan niya.

Sa isang Instagram post ni Allan kamakailan, ibinahagi niya ang post ng nasabing pahina kung saan pinapayuhan nito ang publiko para maghanda sa posibleng mangyari sa tumitinding krisis produktong petrolyo bunsod ng giyera.

Kasalukuyan nang nasa ilalim ng "state of national energy emergency" ang Pilipinas simula nang ideklara ito ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. noong Marso 24.

Maki-Balita: PBBM, nagdeklara ng state of national energy emergency!

"[H]indi natin alam paggising natin kinabukasan kung ano na ang sitwasyon. Kaya kung may mga tinatago kayong pera, ilabas n'yo na 'yan dahil kapag nagkaroon ng matinding krisis wala nang silbi ang pera," saad sa post.

Kuya Kim, proud daddy sa pagtatapos ng anak sa US bilang Summa cum laude

Habang isinusulat ang artikulong ito, nakakuha na ang post ng 90.4K reactions at 19.7K shares.

Pero sabi ni Allan, “Hindi po ako ito. Wala po akong facebook account. ”