Lubos ang pagmamalaki ni GMA trivia master Kuya Kim Atienza sa kaniyang anak na si Eliana Atienza na nakapagtapos sa prestihiyosong University of Pennsylvania (UPenn) bilang Summa cum laude.
“Can I make yabang? Our @elianahatienza is now a @upenn graduate with Summa cum laude honors!” ani Kuya Kim sa kaniyang social media post noong Lunes, Mayo 18.
Aniya pa, natanggap din ni Eliana ang “Elaine Simon” award para sa kaniyang social justice and contribution sa komunidad ng Pennsylvania.
“She was also given the Elaine Simon award for social justice and contribution to the community of Pennsylvania,” pagkilala ni Kuya Kim sa anak.
Ibinahagi pa niyang sa kabila ng mga pagsubok ni Eliana sa kaniyang four-year journey sa UPenn, nanatili itong matatag at passionate sa kaniyang ginagawa.
“Eliana's 4 years in UPenn was not without challenges. It was a trial for her and the family. Her passion, persistence and resilience prevailed,” saad ni Kuya Kim.
“We are mighy proud of you and we love you so much Eliana! SSD! Salamat sa Diyos!” dagdag pagbati pa ni Kuya Kim.
Bukod sa dagsang suporta ng fans at followers ni Kuya Kim kay Eliana at sa kanilang pamilya, nagpahatid din ng pagbati ang iba pang personalidad at kasamahan sa showbiz at pamamahayag.
“WOW congratulations! What joy!! Proud parents! Incredible Eliana! ” ani ABS CBN broadcaster Karen Davila.
“Yazzzz you can make all the yabang haha” saad ni TV5 broadcaster Korina Sanchez-Roxas.
“So incredibly proud of you @elianahatienza !!!!!!” saad ni lifestyle blogger, Ella Pangilinan.
“So amazing! Congratulations Eliana and to the proud parents ” pagbati ni Kapamilya TV host Bianca Gonzalez.
Bukod kay Elianna, hindi rin lingid sa kaalaman ng marami na lubos din ang pagka-proud ni Kuya Kim at asawa niyang si Felicia Hung Atienza, sa dalawa pa nilang anak na sina Jose Atienza at Emman Atienza.