May 19, 2026

Home BALITA National

NBI Director Matibag: SP Cayetano, dapat masuspinde rin!

NBI Director Matibag: SP Cayetano, dapat masuspinde rin!
file

Naniniwala si National Bureau of Investigation (NBI) Director Atty. Melvin Matibag na kung command responsibility ang magiging basehan upang suspindihin siya sa puwesto hinggil sa isyu ng putukan na naganap sa loob ng Senado, ay dapat na mas unang masuspinde si Senate President Alan Peter Cayetano.

Ang pahayag ay ginawa ni Matibag sa kanyang pagdalo sa monthly forum ng MACHRA's Balitaan sa Harbor View ng Manila City Hall Reporters Association nitong Martes ng umaga, Mayo 19.

Matatandaang ianunsyo ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla sa publiko ang pagpapataw nila ng anim na buwan na preventive suspension kay acting Senate Sergeant-at-Arms Mao Aplasca kaugnay sa naganap na kaguluhan sa Senado noong Miyerkules, Mayo 13, 2026.

Maki-Balita: Senate Sergeant-at-Arms Mao Aplasca, suspendido ng 6 na buwan—Ombudsman

Dahil dito, sinabi ni Cayetano na kung sinuspinde si Aplasca ay dapat din aniyang suspindihin sa puwesto si Matibag.

National

'All the evidence points that there was no attack on the Senate!'—SILG Remulla

Ani Matibag, naniniwala siyang dahil sa command responsibility kung bakit siya ipinasusupinde ni Cayetano.

Gayunman, binigyang-diin ni Matibag na kung sususpindihin siya dahil sa isyu ng command responsibility ay dapat ring suspindihin si Cayetano na siyang pinuno ng Senado at direktang kausap ni Aplasca nang maganap ang kaguluhan.

"Unang-una po, hindi naman ako nandoon at unang nagpaputok ng baril. Siguro ang sinasabi, I'm the head of the NBI kaya dapat suspindihin ako dahil command responsibility ko yung mga tao. Tama po ba? E kung ganun po pala yung magiging basehan, dapat ang unang-unang sususpindihin e si Sen. Alan Peter Cayetano. E command responsibility niya si Sergeant-at-arms e," ani Matibag.

"In fact, inaamin ni Sergeant-at-arms na sila ang nag-uusap dun sa mga pangyayari," aniya pa.

Kaugnay nito, tiniyak rin ni Matibag na handa siyang harapin ang anumang imbestigasyon hinggil sa isyu at kung mapatunayan aniyang may kasalanan siya ay handa siyang tanggapin ang anumang parusang ipapataw sa kanya.

"So, ako naman po, I'm willing to face any investigation, kung ano man po, if I will be found na may kasalanan, I'm willing to serve kung anumang penalty ang gagawin po natin," aniya pa.

Iginiit din ni Matibag na kung wala namang unang nagpaputok sa Senado ay "baka wala namang nagkaratratan ng putok doon."