May 22, 2026

Home BALITA National

Sen. Robin, hinayang dahil 'di naipagdiwang kaarawan ni FPRRD sa The Hague

Sen. Robin, hinayang dahil 'di naipagdiwang kaarawan ni FPRRD sa The Hague
Photo courtesy: Sen. Robin Padilla (FB), File Photo

Tila nanghihinayang si Sen. Robin Padilla dahil hindi na niya nagawang ipagdiwang ang selebrasyon ng ika-81 na kaarawan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague, Netherlands. 

Ayon sa videong inupload ni Padilla sa kaniyang Facebook account nitong Sabado, Marso 28, 2026, mapapanood ang 1:46 minuto niya habang nasa labas ng detention center ng International Criminal Court (ICC) kung saan nanatili ni FPRRD.  

Photo courtesy: Sen. Robin Padilla (FB)

Ani Padilla, hindi na raw siya nakatagal pang manatili sa The Hague dahil pinabalik raw siya sa kaniyang opisina sa Senado. 

“Hindi po ako nakapagtagal sa Netherlands para muling makapagdiwang ng Iyong kaarawan sapagkat ako po ay pinauwi ng aking opisina,” pagsisimula niya. 

Anang senador, marami raw talagang nagpapadala ng imbitasyon sa kaniya upang makiisa sa pagdiriwang ng kaarawan ng dating Pangulo. 

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

“Katunayan marami din po imbitasyon sa ibat ibang bansa para sa araw ng pagdiriwang ng inyong kaarawan,” aniya. 

Pagpapatuloy ni Padilla, sadya raw talagang kinakailangan niyang bantayan ang biglaang pagpapatawag sa kaniya ng Senado dahil sa umiigting na sigalot sa Middle East. 

“Kinakailangan po ako ngayon na naka antabay sa biglaang pagpapatawag ng Senado kung tuluyang iigting pa ang digmaan sa Gitnang Silangan,” saad niya. 

Matapos nito, nagawa nang batiin ni Padilla si FPRRD ng maligayang kaarawan. 

“Maligayang ika 81 Taon ng iyong kapanganakan tatay digong!” pagtatapos niya. 

KAUGNAY NA BALITA: Kitty sa birthday ni FPRRD: 'The greatest gift I can give, is to be strong like you and strong for you!'

KAUGNAY NA BALITA: 'The defense of his rights is a defense of our national sovereignty!' VP Sara, may mensahe sa b-day ni FPRRD