May 22, 2026

Home BALITA National

Kitty sa birthday ni FPRRD: 'The greatest gift I can give, is to be strong like you and strong for you!'

Kitty sa birthday ni FPRRD: 'The greatest gift I can give, is to be strong like you and strong for you!'
Photo courtesy: Kitty Duterte (IG)

Taos-pusong binati ni Veronica “Kitty” Duterte ang kaniyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa selebrasyon nito ng kaniyang ika-81 na kaarawan. 

Ayon sa naging long message ni Kitty para sa kaniyang “papa/dada” sa Instagram post niya nitong Sabado, Marso 28, 2026, sinabi niyang natutunan daw niya ngayong malapit na siyang maging 22-anyos na laging unahin ang kapakanan ni FPRRD. 

“I sacrifice for you or I don't. I choose you or I don't. I fight with you or I don't. It's always all or nothing. Only now have I understood, now that I'm turning 22 and have put you first, through it all and above all,” aniya. 

Photo courtesy: Kitty Duterte (IG)

Screenshot mula sa IG post ni Kitty. 

Ani Kitty, idinaos niya ang kaniyang ika-22 na kaarawan at Pasko noong 2025 nang kasama si FPRRD. 

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

“My 21st birthday, I have spent alone, to spend with you. my 2025 christmas, I have spent alone, to spend with you. now about to reach my 22nd, with the same fire, that burns in the bluest of blue, just like yours,” saad niya. 

Ngunit sa kabila nito, hindi raw siya makakasama ni FPRRD para sa ika-81 na kaarawan nito. 

Paliwanag niya, paraan daw ang pagkakataong ito upang panghawakan niya ang kaniyang pangako kay FPRRD na magiging malakas sa isip at hindi hahayaang palabuin ng kaniyang emosyon ang kakayahan niyang magdesisyon sa mga bagay-bagay. 

“Now on your birthday, I cannot be with you, in order to keep my promise to you. I cannot be with you, because of my promise to choose my head over heart and to never let emotions cloud my judgment,” ‘ika niya. 

Pagpapatuloy ni Kitty, tila salamin daw niyang tinitingnan si FPRRD at isa sa pinaka-ipinagmamalaki niya ay ang minsang sabihin umano sa kaniya ng kaniyang ama na mahal na mahal siya nito. 

“Happy birthday to my mirror. Despite everything I have grown into, my deepest pride comes from when you say that I love you ‘too much’, because what’s done in love is never a waste,” pagbabahagi niya. 

Aniya pa, ang pagiging maging malakas kagaya ni FPRRD umano ang pinakamagandang regalo na makakayanan niyang ibigay para sa huli. 

“I carry not just a piece, but a portal to you— wherever I go. I know the greatest gift I can give is to be strong like you and strong for you,” pagtatapos niya. 

Samantala, habang sinusulat ito, nananatili pa rin si FPRRD sa detention center ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands at humaharap sa mga kasong crimes against humanity dahil sa war on drugs na naganap sa Pilipinas sa panahon ng kaniyang mga panunungkulan. 

Matatandaang isinagawa ng ICC ang kanilang confirmation of charges sa mga kasong kinakaharap ng dating Pangulo noong Pebrero 23 hanggang Pebrero 27, 2026. 

Matapos nito, inanunsyo ng ICC na ilalabas nila ang kanilang desisyon kung isasailalim sa trial si FPRRD sa loob ng 60 na bilang ng mga araw. 

KAUGNAY NA BALITA: PNP, maghihigpit sa seguridad sa 81st birthday ni FPRRD

KAUGNAY NA BALITA: Trillanes, 100% siguradong mahaharap sa ICC full-blown trial si FPRRD!