Tila 100 porsyento kumpyansa si dating senador Antonio “Sonny” Trillanes IV na mahaharap sa full-blown trial ng International Criminal Court (ICC) si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa naging panayam ng News Watch Plus Ph kay Trillanes noong Huwebes, Marso 26, sinabi niyang baka raw sa buwan nag-Abril ang pagharap ng dating Pangulo sa full-blown trial ng ICC.
“I am 100 percent confident na ang decision dito, siguro first half of April ay tutungo sa full-blown trial ‘yong kaso ni Digong,” pagsisimula niya.
Ani Trillanes, pinagbabasehan daw niya sa espekulasyon niyang ito ang naging takbo ng isinagawang confirmation of charges ng ICC noong Pebrero 23 hanggang Pebrero 27, 2026, sa mga kasong kinakaharap ni FPRRD.
“Ang pinanghuhugutan ko dito ay ‘yong mga nasaksihan natin mismo na prenesentang ebidensya ng prosecution,” aniya.
Diin pa niya, “Maliwanag na maliwanag lahat ng elemento ‘yong crimes against humanity ay inilatag nila.”
Patutsada naman ni Trillanes sa tumatayong lead defense counsel ni FPRRD na si Atty. Nicholas Kaufman, sinabi niyang tila puro intriga at politika lang daw ang tinapat ng huli para depensahan ang kaniyang kliyente sa mga ebidensyang inilatag ng ICC prosecution.
“Sa kabaliktaran,si Kaufman ay prenesenta ay ‘yong mga intriga at ‘yong politika dahil hindi nila kayang depensahan ‘yong kanilang kliyente na si Digong,” saad niya.
“Malamang sa malamang tutuloy po ‘yan sa full-blown trial at ang tantsa po natin, baka the earliest siguro, mga September, magsisimula na ‘yong trial,” pagtatapos pa niya.
Kaugnay nito, matatandaang inanunsyo ng ICC matapos ang kanilang naging confirmation of charges sa mga kasong crimes against humanity ni FPRRD noong Pebrero 2025 na ilalabas nila ang kanilang desisyon matapos ang 60 na bilang mga araw.
Sa kasalukuyan, nananatili pa rin ang dating Pangulo sa detention center ng ICC sa The Hague, Netherlands.
KAUGNAY NA BALITA: TIMELINE: Unang anibersaryo mula sa pagtugis ng ICC kay FPRRD hanggang sa pagdinig ng confirmation of charges
KAUGNAY NA BALITA: 'The admin extradited FPRRD without due process, violating national sovereignty!'—ICSA Rep. Shunichi Fujiki