May 11, 2026

Home FEATURES Human-Interest

ALAMIN: Ano ang ‘Queerbaiting’ at bakit ito nakikitang problema?

ALAMIN: Ano ang ‘Queerbaiting’ at bakit ito nakikitang problema?
Photo courtesy: Pexels

Binweltahan ni Miss Earth Philippines 2025 Joy Barcoma kamakailan ang ilang “nagbabakla-baklaan” na social media content creators upang pagkakitaan. 

Mababasa sa reshared post ng beauty queen noong mula sa pahayag ng direktor na si Rodina Singh, binanggit niya na walang problema sa mismong pagbabakla-baklaan dahil wala naman daw nakakahiya sa pagiging bakla. 

Nagkakaroon lamang daw ng kaso rito kung ang pagpapanggap ay ginagawa lamang para maging puhunan ngunit hindi suportado sa LGBTQIA+ community. 

Binanggit pa ni Joy na sa paggaya sa mga bakla, importante rin na makaya ng mga gumagawa nito tahakin ang masukal na pinagdadaanan ng mga ito at ang masalimuot nilang mundo. 

Gayundin ang makibaka para sa mga ito, pagsasalita para sa kanila, at pagmamahal sa kanilang komunidad. 

Human-Interest

#BALITAnaw: ‘Kaka-kompyuter mo yan!’ Kailan unang nagamit ang computer sa Pilipinas?

MAKI-BALITA: Miss Earth PH Joy Barcoma, bumwelta sa mga pinagkakakitaan pagbabakla-baklaan!

Ang terminong tinutukoy nina Joy at Rodina ay tinatawag na “queerbaiting.” 

Dahil dito ano nga ba ang “queerbaiting?” 

Ayon sa Oxford English Dictionary (OED), ang queerbaiting ay ang pangha-harass, pang-aabuso, o targeted na panunukso ng mga taong kabilang sa LGBTQIA+ community. 

Base pa sa OED, ang queerbaiting ay ang paglalagay ng anumang representasyon ng LGBTQIA+ sa media, pelikula man ito o TV show sa layong mahikayat ang komunidad sa panonood habang nananatiling malabo ang sekswalidad ng mga karakter upang pagkakitaan ang komunidad na tumatangkilik sa obra. 

Bakit ito nakikitang problema ng marami?

Una sa mga dahilang itinuturo kung bakit mali ang queerbaiting ay ang paniniwalang nagdudulot ng pag-eestereotipo mula sa mababaw na representasyon ng queer characters.

Sa pamamagitan nito, nawawala ang diversity o pagkakaiba-iba, lalim, at development ng queer identities. 

Isa pa sa pinaniniwalaang negatibong epekto ng queerbaiting ay ang pag-iinvalidate ng mga karanasan at pagsubok sa buhay ng isang queer. 

Panghuli ay ang paniniwalang ipinararating ng queerbaiting na dapat itago ang kanilang relasyon sa iba o panatilihin itong malabo. 

Ang aspetong ito ay posibleng makaapekto sa mental health ng isang tao na kabilang sa LGBTQIA+ community dahil sa patuloy nilang pagtatago ng tunay nilang pagkakakilanlan.