May 14, 2026

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Yasser Marta kay Robb Guinto: 'Hinding-hindi kita iiwan'

Yasser Marta kay Robb Guinto: 'Hinding-hindi kita iiwan'
Photo Courtesy: Robb Guinto (FB)

Nangako sa isa’t isa sina Kapuso actor Yasser Marta at sexy actress Robb Guinto ngayong silang dalawa ay opisyal nang magkarelasyon.

Sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Huwebes, Marso 26, sinabi ni Yasser na hinding-hindi raw niya iiwan si Robb.

"Lagi kong ipinapangako na hindi tayo maghihiwalay. Hindi ako susuko at hinding-hindi kita iiwan,” saad ni Yasser.

Sabi naman ni Robb, “Simula noong nakilala kita, alam ko naman sa sarili ko na ikaw na. Kaya ipinapangako ko sa 'yo na ikaw na ang huling lalaking mamahalin ko."

Kaya naman hindi na rin nakapagtataka nang ibahagi ni Yasser na napag-uusapan nila ni Robb ang tungkol sa pagpapakasal.

Relasyon at Hiwalayan

KDLex, hiwalay na!

Ayon kay Yasser, "Nando'n 'yong thought [na magpkasal]. Sinasabi namin sa bawat isa pero hindi naman gano'n ka-specific pa talaga na planadong-planado. Pero lagi kong sinasabi sa kaniya na pupunta tayo ro'n."

Matatandaang sa isang panayam noong Marso 5 ay inamin nina Robb at Yasser ang kanilang relasyon.

Nagsimulang lumutang ang espekulasyon na may namamagitan sa dalawa nang ibahagi nila ang kanilang mga larawang kuha sa Bali, Indonesia nang magkasama.

Maki-Balita: Yasser Marta, ibibigay lahat kay Robb Guinto; magkasamang nagbakasyon sa Bali